Sa lahat ng studyante ng chemistry department, di mapapagkaila na kaming magtropa ang pinakagwapo, pinakatalented, pinakamatalino at syempre pinakahumble. Haha Loko lang.Mababait kami syempre. Tumador pero matino sa pag-aaral. Na impluwensyahan lang kasi ako ng lokong JJ at Timoy.
Pero ganun man ang aming samahan, masasabi ko naman na itoy matibay at mas lalo pang tumitibay. Kahit na itong si Timoy biglang nag drama nung nakaraang mga araw. Ayaw ba naman kaming pansinin. Ayun tuloy nahawa na ko sa pagiging seryoso ni JJ.
Birthday ko pa naman din ngayon pero di ko kasama yung mga gago kasi si JJ may debate practice tapos ayun nga si Timoy di mahagilap. Buti nakita ko si Wayne kanina.
Isa rin tong si Wayne e. Pota ang gwapo, nakakabakla. Nagseselos na nga ako kay Sue kasi panay puri nya sa kagwapuhan ng mokong na yun. Lamang lang yun ng ilang paligo hoy!
Pero mabait naman sya. Buti nalang natuto na managalog si Wayne kasi nauubusan ako minsan ng english kakausap sa kanya.
Wala masyadong lakad si Sue ngayon kaya nagpaglaanan ko sya ng panahon kasi balak ko talagang papuntahin sa bahay yung tatlo para sa konting salo salo.
"Junjun punta ako mamaya" text ni Timoy. Himala nagtext sya. Di ko kasi sya nakita sa calculus class kanina. Babatukan ko na talaga sana sya kasi lumipat ba naman ng upuan. Di ko nga alam bakit sya nagkakaganon. Sa ibang subject din ganun sya. Sabi naman ni JJ hayaan nalang namin kasi ayaw ding makipag-usap.
Gusto ko sana pagalitan kaso baka di pumunta mamaya. "Birthday ko loko. Greet mo ko" reply ko sa kanya.
Nakauwi nalang ako sa amin di pa nagreply. Puta humanda ka sakin mamaya.
Tinulungan ko na si Mama maghain ng konting salu-salo sa may garden. Di naman kasi kami mayaman kaya piling kaibigan lang pinapunta ko.
Pasado 7pm nang may nag doorbell. Pagsulyap ko sa labas ay saktong binuksan na ni Papa yung dalawa na may dala palang cake at nagsimula ng kumanta.
"Wow ha nag-abala pa talaga kayo. Pasok kayo tamang-tama kakatapos lang namin makapaghanda" sabi ko.
"Inuman ba yan?" biro ni Timoy.
"Easy lang Timoy. Napapaghalataan kang tumador" tugon ko habang kinukuha ang cake.
"May atraso ka pa samin Timoy baka akala mo nakalimutan namin" sambit ni JJ na umakbay naman sakin.
"Osya sige mauna na ko" sabi ni Timoy na aakto sana umalis. At nagtawanan kaming tatlo.
Pumunta na kami sa garden at pinagsaluhan ang konting handa. Pagkatapos naman ay inihatid na ni Papa ang cooler na puno ng beer cans. Mukang mapapasubo ata kami ngayon. Maski ako di ko alam na ganito kadami beer na binili nila.
"O sya magpakalunod kayo sa alak ok lang basta dito lang kayo. Wala ng lalabas. Ayusin ko din kwarto ni Junjun para sa inyong apat" sabi ni Papa habang inaayos ang mga beer.
Nagtinginan ang dalawa. Di ata handa sa sleepover. Maski naman ako hindi pero napangiti nalang ako kasi panigurado magiging masaya ang gabing to.
"Opo tito" sabay nilang sabi.
"Nako pare, sleep over pala to e. Wala kaming pamalit" pag-aalala ni JJ.
"Nako dami kung damit jan na kasya sa inyo. Wala naman tayo pasok bukas e. Di kayo makakatanggi. You are my bitches tonight" sabay tawa ko.
"Loko. Wala akong brief Junjun" paliwanag ni Timoy.
"Daming brief si tatay jan. Teka hiramin ko lang"
BINABASA MO ANG
My Friendly Neighborhood Batman (boyxboy)
Romance(Boyxboy) Wag nyo po kalimutan na ipabilang sa inyong reading list, mag comment at i vote ang My Friendly Neighborhood Batman. Sana po ay subaybayan nyo po ang kwento ni Timoy, Junjun, JJ,at Wayne. Babala: Ito po ay naglalaman ng mga bahagi na medy...