This chapter contains scenes not suitable for readers below 18 years old.-----------------------------------------------------------
Nawala na yata ako sa katinuan ng hinalikan ko ang kanyang mga labi. Nabigla din ako sa aking ginawa. Pagkakaalala ko naman ay walang tao ngayon sa condo namin.
Mainit, mamasamasa pa ito at napakalambot. Sa ilang segundo na iyon ay di ko na naisip kung ano ang pwedeng mangyari sa aming pagkakaibigan pagkatapos nito. Lahat naman ng tao iniiwan ako dahil sa kabaklaan ko. Kung iiwan lang din naman ako ni Wayne, at least nakilala nya ang totoong Timoy na buong buhay kong kinubli sa lahat at ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Umiikot na din ang aking paningin dahil sa kalasingan kaya napapikit nalang ako.
Maspusok kung sa mapusok, malandi kung sa malandi, mali na kung sa mali, wala na akong pakialam. Tinago ko ang totoong kong pagkatao sa takot na di ako matanggap ng mga magulang ko, ng aking mga kaibigan, ng lipunang aking ginagalawan. Sa takot na malaman ni Nikki kung sino ang totoong nilalaman ng aking isipan sa mga panahon na kami ay magkahawak kamay, magkayakap at magkasama. Pero di ko na ito napigilan.
---earlier that day---
"Happy 2nd monthsary babe" sabi ni Nikki sa telepono 6am ng umaga.
"Happy 2nd din babe" naalimpungatan kong sagot.
"Ayusin mo muna natin ang mga damit na susuotin ni Wayne mamaya saka na tayo mag date. San mo ba gusto pumunta?" tanong nya na halatang sabik na sabik sa araw ito.
Ngayon araw din na ito natapat ang Booth King and Queen. Kaya dalidali na akong bumangon para maghanda.
"Sige kita nalang tayo sa school" sabi ko at binaba nya ang kanyang tawag.
Di muna ako dumiretso sa school pinuntahan muna namin yung rental shop ng mga damit na sinabi ni Nikki.
"Para sa inyo ba maam at sir?" tanong ng babaeng nakatayo sa counter.
"Hindi po para sa aming kasama na sasali ng pageant. Ano po ba babagay sa kanya?" sabi ko sabay ipinakita ang picture nitong si Wayne.
"Ang gwapo naman po nyan sir" sabi ng babae. "Mukang ito pa ang babagay sa kanya" at ipinakita nya ang black na tuxedo na may burdang bulaklak sa may bandang kaliwang balikat.
"Mukang babagay nga to kay Wayne babe" sabi ni Nikki habang inuusisa ko nang mabuti ang damit.
"Siguro nga babe. Sukatin ko kaya? Pareho lang naman kami ng katawan nun e." tugon ko habang sinusubok isukat yung tux.
"Nako sir bagay na bagay sayo. May kapares po yan gusto nyo po isukat Ma'am?" nakangising sabi ng babae.
"Hala wag na miss nagmamadali kasi kami, kukunin nga pala namin yung tux" tugon na Nikki na halatang kinikilig kasi pinasukat yung kapares na gown ng suot ko. Pinisil ko ang kanyang kamay at ngumiti sya sakin.
Hapon na ng kami ay nagdate sa mall. Kumain, nag arcade, nanood ng movie. Binigyan nya pa ko ng regalong relos. Nakakahiya tuloy kasi wala akong maibibigay sa kanya.
Nung matapos ang pinanood naming movie ay dumiretso na kami sa auditorium para tulungan si Wayne. Nagtext na din sa Mark na tapos na sila mag insayo ng kanilang kanta. Nagtataka nga ako kasi sinisikreto nila ang kanilang ensayo sa lahat. E sabi nila kakanta daw si Wayne. Pangit siguro boses takot ma turn off ako. Charot.
Nung lumabas na sila para magpakilala, di ko mapigilang mamangha. Di lang kay Wayne pero sa lahat ng kalahok na lalaki. Ang gwagwapo naman ng sumali ngayon. Buti nalang di papakabog pamato namin. Magkasama kami ni Nikki at di ko nalang pinapahalata ang pasimpleng kong pagkagat ng aking labi at mapagnasang tingin.

BINABASA MO ANG
My Friendly Neighborhood Batman (boyxboy)
Romance(Boyxboy) Wag nyo po kalimutan na ipabilang sa inyong reading list, mag comment at i vote ang My Friendly Neighborhood Batman. Sana po ay subaybayan nyo po ang kwento ni Timoy, Junjun, JJ,at Wayne. Babala: Ito po ay naglalaman ng mga bahagi na medy...