[EDITED]
Jamaica's POV
Nagising ako dahil sa isang ingay. I groaned. Ano ba yung ingay na iyun?
Napamulat ako ng mata at tumingin sa kung saan galling ang ingay. Napapikit ulit ako nung Makita kong yung alarm clock lang pala iyun.
Anong oras na ba?? Sinilip ko ang orasan at namilog ang mga mata ko nang makita ko kung anong oras na.
Napabangon ako ng wala sa oras. "7 o'clock na!!!!" Tili ko.
Hala late na ako!!! Ano ba yan!!!
Kumaripas ako ng takbo papunta sa banyo, muntik pa ako matapilok dahil sa pagmamadali ko. After 15 minutes ay natapos na rin akong maligo. Nagbihis ako ng isang simpleng off shoulder blouse at denim jeans, pinaresan ko iyun ng nude sandals.
Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kusina pero napatigil ako nung maisip ko kung anong oras na. I pulled my hair in frustration at bumuga ng hininga. Sa cafeteria nalang nga.
Umikot ako at tinungo ang pintuan. Lumabas na ako sa condo pero bago ako umalis sinigurado ko muna yung lock ng pinto. Mahirap na baka pasukan pa ako niyan at manakawan pa.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang ground floor. Nasa 31st floor ako eh, alangan naman mag hagdan ako, baka pag nakarating ako sa baba ay masugod pa ako sa hospital ng wala sa oras dahil sa kakulangan ng oxygen, mahirap na.
Kinuha ko ang phone sa bag ko nang tumunog ito pero hindi ko muna ito sinagot. Gusto ko yung ringtone ko eh. Paborito ko kasi ang EXO. Ang guguwapo kaya nila, lalo na si Chanyeol afghzyshjidj!!!
Bago pa man matapos yung tawag ay sinagot ko na iyun. "Hello!! This is Jam speaking!!" Masigla kong bati sa kabilang linya.
"Hoy babae!! Bakit ang tagal mo sumagot!? Ha?!" Linayo ko ng kaunti yung phone ko dahil sa sigaw ng aking best friend na si Sophie.
"Ahh ehh ka---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol iyun ng best friend ko.
"Dahil na naman yun sa ringtone mo ano!? Hay nako palitan mo na nga yan!! Paano nalang kung emergency yung call?! Ha!!" Napa pout naman ako sa sigaw niya. Ayoko nga palitan. Favorite song ko yun ng EXO eh.
"Sorry. Promise, next time sasagutin ko na agad. Wag ka na magalit ah." Pa-sweet kong sambit para naman hindi na ako pagalitan nito. I heard her sigh on the other line.
Npangiti ako dahil alam kong gumana yung ginawa ko. I giggled. Galing mo talaga Jam.
"Oo na, sige na. Kahit ilang beses mo na sa'kin sinasabi iyan papatawarin kita. But." She paused. "This is the last time that i'll let this pass. Promise me you will answer my call right away, understand?!" Here she goes again. Being my mother and all. Well bilin ako ni mama at papa kay Sophie na bantayan ako while they are not here in the Philippines.
They got a business meeting in France for two weeks. Napasimangot ako. Gusto ko kasi makapunta sa lugar na iyun. Bakit ba kasi hindi nalang nag sakto sa summer yung meeting nila para nakasama sana ako.
I look at my phone to check the date and I groaned nung makita ko kung anong araw ngayon. Today is February 13 and tomorrow is Valentine's Day my most hated day ever.
Paano ba naman. Mag isa ako sa araw na yan eh!! Lahat ng kaibigan ko may boyfriend at may date daw yung mga baliw na yun!! Pasimple akong umirap. Edi sila na!! Kabadtrip!!
"Hoy!! Natahimik ka. Sagot!!" Nagising ako sa kasalukuyan nang marinig ko yung sigaw ni Sophie.
"A-ahh oo na, hindi na po ma-uulit." I sighed.
BINABASA MO ANG
Seven First Dates [Under Editing]
Short StorySi Jamaica Perez ay isang mabait na babae na ang isip ay puro aral lang, wala rin siyang karanasan sa buhay may love life, in short isa siyang NBSB... Gusto niya rin maranasan ang makipag Date pero sadyang wala siyang time sa ganun, pero pano kung...