Jamaica's POV
*sigh*
Nasaan ka na ba kasi babaeng mukhang anghel!!!! I need an explanation kung ano ang nangyayari sakin at bakit ito ang binigay mo!!!!
"Ako ba ang hinahanap mo Jamaica??" napa balikwas ako ng higa at nakita ko yung babae na prenteng nakaupo sa upuan ng study table ko na nasa harapan ko, teka, gets nyo pa ba??
"P-p-pano ka n-nakapasok??" nauutal kong saad,
"Dyan sa pinto," tinuro nya pa yung pinto, napakurap ako,
"What i mean is pano ka nakapasok dito sa loob,?"
"Well, binuksan ko yung pinto at pumasok dito," confident nyang pag eexplain, nag shrug pa at ngumiti sakin,
Aba, matino pala to kausap ah *note to the sarcasm* pasimple nalang ako umirap,
"Nevermind nalang po," tumayo ako at dumeretyo sa banyo para mag hilamos, pagkabalik ko naka upo na sya sa kama at hawak nya yung isang card sa side table, lumapit ako at umupo sa tabi nya, tinignan ko naman yung card at nandun ang mukha ni Clifford, parang may kumirot sa puso ko nang makita ko ang mukha nya, i just shrugged it off,
"Let me guess, gusto mo maliwanagan sa mga nangyayari, right?" tumango ako nang hindi tumitingin sakanya, naka tingin lang ako sa sahig eh,
Naramdaman kong tumayo sya kaya napa angat ako ng tingin sakanya, natakayo sya sa harap ko ngayon,
"You wished for a date, right?" tumango ulit ako sa tanong nya,
"And now eto na, binigay ko na," tinuro nya yung mga cards kaya napa tingin din ako dun, apat na ang may pictures, tatlo nalang ang blanko pa,
"Ang hindi ko po maintindihan is," tumingin ako sa mga mata nya, "Bakit po yan ang binigay mo? Hindi naman po sila totoo eh,"
"Yun ang akala mo, pero totoo sila Jam," kumunot ang noo ko, "Kapag na kumpleto mo na yan, pipili ka ng isa sakanila at mabubuhay sila na parang normal na tao,"
"What do you mean po?" ngumiti sya at tumingin sa mga cards, nanatili ang tingin ko sakanya,
"Malalaman mo yun kapag na kumpleto mo na ang lahat ng cards mo," humarap sya sakin, "Kaya just hold on for a little bit, Good Luck my dear," kumindat sya at bigla nalang nawala,
Kumurap-kurap ako at tumingin sa paligid, kinilabutan naman ako bigla, "I must have gone crazy," i muttered to myself at sinasampal ko pa ang mukha ko,
*ding dong*
Napatalon ako dahil dun, sino yun? Grabe, magkaka heart attack yata ako,
BINABASA MO ANG
Seven First Dates [Under Editing]
Cerita PendekSi Jamaica Perez ay isang mabait na babae na ang isip ay puro aral lang, wala rin siyang karanasan sa buhay may love life, in short isa siyang NBSB... Gusto niya rin maranasan ang makipag Date pero sadyang wala siyang time sa ganun, pero pano kung...