Date 2

115 3 1
                                    

Jamaica's POV

*krrrriiiiinnnnggggg*

Napabalikwas ako nang marinig ko yung alarm ko, tumingin ako sa paligid, bakit nasa kwarto na ako? Anong nangyari?

Inoff ko yung alarm ko at tumayo para tignan ko ang sarili ko sa salamin,

Sandali, bakit suot ko yung pajama na suot ko kahapon? Napatingin ako sa side table ko dahil umilaw yun,

Lumapit ako para tignan, laking gulat ako sa nakita ko, isa sa pito na cards ay nagka picture at familiar yung mukha na yun,

"Oh gosh, bakit nandito mukha ni Matthew?" impossible, bakit sya nandito sa card? Yung nangyari kahapon, totoo ba yun?

*insert Call Me Baby ringtone*

Kinuha ko yung phone at sinagot yun,

"Jam!!!" linayo ko yung phone sa tenga ko dahil sa sigaw nya, kahit kailan talaga ang lakas ng boses nya, ano na naman kaya problema nito,

"Wag kang sumigaw," naiiritang saad ko,

"Ahh, hehe, sorry," umirap nalang ako,

"Bakit,? Anong problema?" tanong ko habang nakatitig sa card,

"Don't tell me nakalimutan mo yung quiz natin ngayon sa first subject," huh? Quiz? Diba kahapon pa yun, teka anong nangyayari?

"Quiz? Wala ka naman sinabi sakin kahapon nung pumunta ka sa clinic," kahit hindi ko nakikita, ramdam kong kumunot ang noo nya,

"Ano naman ang gagawin ko sa clinic Jam? Magkasama tayo buong maghapon kahapon, okay ka lang ba? Nagka amnesia ka ba?" this time ako naman ang nagtataka, hays ano ba talaga?! Hinilot ko ang sentido ko para kahit papano maibsan yung sakit nito, nako, sumasakit ang ulo ko dahil dito!! Omg!! Ayokong mastress, baka tumanda ako agad, ayoko nun,

"Okay lang ako Sophie, maliligo lang ako bago pumunta dyan," nag okay naman sya kaya binaba ko na yung tawag,

O_O

Teka totoo ba to? Linapit ko yung phone sa mukha ko para siguradohin na totoo yun,

"B-bakit February 14 ngayon? Diba kahapon yun, ano bang nangyayari?" arrgghh, this is making me frustrated!!!

"Makaligo na nga," linapag ko yung card sa dati nyang pwesto bago pumasok sa banyo,

Habang nag shoshower hindi ko mapigilan yung nangyari kahapon, ayun kung kahapon talaga yun nangyari,

"Hay nako Jam, wag mo na isipin yun, baka magka wrinkles ka sa kakaisip," tama, hindi ko muna yun iisipin,

Pagkatapos ko maligo at mag toothbrush lumabas na ako sa banyo at nagbihis, naglagay ako ng powder at lip tint then done!!! Linugay ko lang ang buhok ko, eh sa tinatamad ako mag tali eh,

Pagkalabas ko nakita kong may pumasok sa sa elevator kaya tumakbo ako para humabol,

"Sandali!!!!" mabuti narinig nya kaya nakapasok ako agad, hingal na hingal ako, wow, I'm not good at running,

"Wag ka kasing tumakbo, alam mo namang mahina ka dun eh," huh? Humarap ako dun sa lalake, yup lalake yung nakita kong pumasok dito sa elevator,

Tinuro ko ang sarili ko "Ako po bang kausap mo?"

He giggled at ginulo ang buhok ko, "You're funny Jam,"

Kumurap-kurap lang ako at ipiniling ang ulo ko at pinagmasdan sya, hmm, maputi sya, black yung buhok nya and may kamukha sya, si Suga?? What's with these guys, kahapon si Jin ngayon si Suga,

Seven First Dates [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon