Date 1

239 10 0
                                    

[EDITED]

Jamaica's POV

Na-alimpungatan ako nang tumunog ang alarm clock ko. Napamulat ako at napabuntong hininga, today is the day that I hate the most. Valentine's Day.

Umupo ako at pinatay ang alarm clock pero agad din ako natigilan at napako ang tingin ko sa pitong cards na maayos na nakalatag sa nightstand na katabi lang ng kama kung saan ako humihiga.

"Paano 'to napunta dito??" Tanong ko sa sarili ko na hindi pa rin makapaniwala dahil sa nakikita ko sa harapan ko. Sigurado kasi ako na nasa bag ko to, dun ko iyun linagay para hindi ito mawala pero bakit ngayon nandito na sa nightstand?

"Ayy gwapong kapre!!!" Napaigtad ako at napahawak ako sa aking dibdib dahil bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Sino ba naman ang hindi magugulat? Malalim kang nag-iisip tapos biglang may tatawag. Naka full volume pa naman yung phone ko.

Agad kong kinuha ang cellphone at sinagot na hindi tinitignan kung sino yung caller. "Hello?"

"Hoy babae, ipapaalala ko lang po, may quiz tayo sa first subject natin." Napakurap-kurap ako. Bakit parang bad mood ata itong si Sophie ngayon? Ano na naman kaya ang nangyari?

"Opo. Hindi ko yun nakakalimutan, ako pa." Ako pa na conscious lagi sa grades ko. Medyo napuyat nga ako dahil kaka review ko kagabi. I don't want to disappoint my parents. That's the last thing that I want to happen.

"Matalino ka nga pero lagi ka namang late." Sabat ni Sophie. Ouch ah, best friend ko ba 'tong taong to? Parang hindi eh.

"Hindi naman lagi nu," Pagtatanggol ko sa sarili but why do i have this feeling that she's rolling her eyes right after I said that. I tsked. Typical Sophie. "Maaga pa naman eh. Nagpa alarm kaya ako ng 6am."

"Ahhh, edi dapat nandito ka na ngayon, pero hindi!!" She snapped. "Wala ka pa rin."

I raised my brow. "What are you talking abo---" Lumaki ang mata ko nang makita ko ang oras.

What the shomay!? Paanong naging 6:40 na? The heck.

"S-swear nag alarm talaga ako ng 6am." 6am nga ba yun? Ngumiwi ako sa isipang yun. Baka nagkamali ako ng pag set kagabi dahil sobrang antok ko na pagkatapos ko mag review.

I cursed at myself. Bakit hindi ko man lang dinouble check. Ang bobo ko talaga minsan.

"Yeah yeah. Pumunta ka na dito ngayon din. Strict pa naman teacher natin sa first subject. Bye see you." Bago pa man ako maka sagot binaba na niya yung tawag. Aba bastos yun ah. Binabaan ba naman ako.

Napailing nalang ako at tumingin sa orasan "Alam mo minsan pahamak ka rin nu." Great. Now i'm talking to a clock.

Inis akong tumayo at tinungo ang banyo para maligo. Iyun na siguro yung pinaka mabilis kong ligo. 5 minutes bath? Wow, record yun.

Pagkatapos ko mag ayos, palabas na sana ako ng kwarto nang may maalala ako. Lumingon ako sa nightstand at tinitigan yung mga cards na nandoon pa rin. Bahagya akong umiling bago tumuloy palabas ng apartment room ko. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang ground floor. Alangan naman taas diba?

Napailing nalang ako sa sarili ko. Okay sabi ko nga nababaliw na naman ako.

Tumakbo ako agad pagkabukas ng pinto nung elevator. Pero dahil sa hindi ako nag iingat at hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko. Kamalas-malasan naman ay nadulas pa ako dahil hindi ko nakita na may nagmomop pala doon at medyo basa pa yung sahig.

Napadaing ako dahil sa sakit na lumukob sa bewang ko. "Aray. Ang sakit." Puwet ko pa naman yung tumama sa sahig. Ang sakit. Tinulungan ako ng janitor na naglilinis dun para makatayo ako ng mabuti at hindi tumumba ulit.

Seven First Dates [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon