All About Life

197 7 0
                                    

“Sa Takdang Panahon”

Ni: LahVern

Tayong mga tao ay may kanya-kanyang pinatutunguhan at may ibat-ibang                                          pinaniniwalaan sa buhay.

Na kung minsan sa iyong palagay ay alam mo na ang lahat ng bagay sa mundong iyong ginagalawan.

Ngunit sa mundong ito ay iyong mapagtatanto na ang permanente lamang ay ang pagbabago,

Dahil sadya talagang kasama ito sa buhay ng tao.

Sa buhay ay maaari kang magkamit ng mga suliranin na kung minsan ay kay pait,

Na magtuturo sayo kung paano tumindig upang sa iyong paglakad ay alam mo na kung saan ang matuwid.

Lahat ng iyong desisyon at hakbangin sa buhay ay may dahilan

Na maaaring ikaw lamang ang nakakaalam.

May mga bagay na sadyang hindi talaga maiiwasan at ating mapagdadaanan.

Maaaring sa iyong kalooban ikaw ay makadarama ng kabigatan, kalungkutan at pagkawala.

Maaaring dumating ang malakas na ulan at ikaw ay matangay.

Ngunit pilitin mong higpitan ang iyong pagkapit upang di ka tuluyang mapalayo sa daang matuwid.

Talagang sa ating buhay ay may mga sakunang daraan tulad nga ng isang ulan.

Ngunit matapos ang pagbuhos ng ulan sa iyong mga mata,

Ay  huwag kang mag-alala dahil ikaw ay makakakita ng liwanag sa gitna ng kadiliman.

Iyong madarama ang pagdating ng sikat ng araw na may dalang init at handang yapusin ka.

At kung sa tingin mo na walang katapusan ang pagdating ng mga pagsubok sa iyong harapan.

Isipin mo lamang na ito ay iyong malalagpasan,

Lahat ng iyong matinding pinagdadaanan.

Sa pagdating ng takdang panahon ito ay magkakaroon na ng saysay.

Ang lahat ng oras na iyong ginugol sa nakaraan

Sa panahong ikaw ay nakaranas ng pighati, pag-aalala sa mga bagay na wala namang palang kasiguraduhan.

Lahat ng iyong pinagdadaanan ay may gampanin sa iyong puso

Na naglalahad ng iyong nakaraan at kung ano ang iyong pagkatao.

Sa takdang panahon ay malalaman mo ang sagot sa lahat ng tanong mo sa buhay mo ngayon.

Tandaan mo na sa pagharap mo sa mga problema na dumaraan sa iyo ay may laging handang tumulong at gumabay sa iyo.

Huwag mong kalilimutan ang lumalang ng mundong ito.

Ang Dakilang Diyos na nagmamahal sa iyo ng totoo.

All About LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon