HINDI AKO PERPEKTO

224 3 0
                                    

HINDI AKO PERPEKTO

by :LahVern

Ako ay bata pa noon at kulang ang kakayahan

Alam kong hindi maihahalintulad sa isang beauty queen ang aking kagandahan

Pangkaraniwan sa paningin ng karamihan

At kung sa iyo naman na aking mahal ay parang wala lang

Kahit isang tingin ay hindi mo man lamang mapagtuunan

Hindi ako perpekto, pero ako ay maganda dahil alam ko ginawa ako ng Diyos sa ganitong porma

Sasabihin ko sa buong mundo, na kaya kong gumawa ng mga pagbabago na para sa sarili ko

Kung gugustuhin ko

Pero sa tingin ko hindi ko kakailanganin ng sobra-sobrang pagbabago dahil  maganda na ako

At ito ang pinaniniwalaan ko.

Dahil nasa tamang edad nauunawan ko na

at Ngayon alam ko na

Na walang sinuman ang makapagpapababa

Sa aking sarili kahit na ikaw pa

Ang pinagsasasabi ng ibang tao noon ay wala ng epekto

Pero salamat sa mga dating pasaring ninyo

Ginamit ko ito para lumakas ang     loob ko

At ngayon isa na akong matatag na tao

Na kaya ng sanggahin ang mga masasakit at mapanglait na ibinabato ninyo

 

All About LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon