TOTOO KA BA?
By: LahVern
Unang araw ko sa kolehiyo ng kayo ay makilala
Masayang pagbati ang bungad sa isa't isa kahit hindi magkakakilala
Doon nagsimula ang saya ng ating pagiging mga magkakaibigan
Sa paglipas nga ng mga araw nabuo natin ang isang samahan Barkada ang tawag dyan.
Sabay sabay tayo sa pagtawa sa ating mga kalokohan
Nagdadamayan din sa oras ng kalungkutan
Mga sikreto ay nagsasabihan mapaCrush pa man yan
Pero ano itong aking narinig mula din sa isa nating kaibigang malapit
Na pag wala ako kung ano ano ang iyong masasakit na salitang sinasambit
Tungkol sa akin na mahirap marinig lalo na kung galing sa isang kaibigan na turing ko na ay kapatid
Bakit mo naman nasabing ako ay tatanga-tanga?
Alam kong ako ay mahina pagdating sa pag-aaral kaya hindi mo na dapat ipagdiinan lalo na kung ako ay wala sa inyong harapan
Masakit sa aking kalooban ang malaman na ako ay pinagsasabihan mo pala ng ganyan
at sa iyo pang aking kaibigan manggagaling ang ganyan
Di ba kay sakit kung ikaw nga ang nasa aking kalagayan
Imbes na ako ay iyong tulungan para sa aralin ay hindi ako mapag-iwanan
Ikaw pa pala ang magpapababa sa akin at hindi lang sa aking sarili pati narin sa pagtingin ng iba
Ngunit ng ikaw ay aking kinumpronta
sabi mo ay katuwaan at biruan lang lahat
Pasensya na at hindi ko masakyan yang mga biro na para sayo ay katuwaan
Ako sa harapan ng barkada ay ingat sa pagbibiro lalo na sayo na pinaka sensitibo
Tinanong mo sa akin kung saan ko nalaman ang mga sinabi mo
Sabi ko sa isa nating kaibigan na sa tingin ko ay nagpapakatotoo
Sa ating magkakaibigan ikaw pa naman ang nangunguna sa pataasan ng marka
Kung ugali lang naman ang pagbabasihan ikaw pala ang dapat na nasa hulihan
Ikaw sa akin ay humingi na ng tawad na akin namang agad na tinanggap dahil kung ang Diyos nga ay nagpapatawad ako pa ba kaya
Nais ko lang naman na sa personal tayo ay magkapatawaran ng hindi sa text tayo ay nagbabangayan
Sa mga nangyari ako ay labis talagang nasaktan
Dasal ko na lamang na sa bawat salitang iyong bibitawan ay iyo munang pag-iisipan
Upang ikaw ay wala nang masaktan
Mag-ingat ka rin sa iyong mga minamaliit baka magroon ng pagkakatoon ikaw naman ang lumiit.
BINABASA MO ANG
All About Life
PoetryNakakatuwa pala ang gumawa ng tula. When i was in Grade school hate na hate ko ang paggawa ng tula. Ganun din nung high school. But now nawiwili akong magcompose ng tula. Paki basa po please ....SALAMAT:)