AKO GUSTO KO!!!!
by :LahVern
Marami akong gustong gawin sa aking buhay
Mga bagay na hinihiling na sana ay sa akin nalang
Mga pangyayari sa tv na sana akin ding nararanasan
Na walang kontrabida na mangingialam
Gusto ko ng isang buong araw na walang kahit anong utos na susundin, ako lamang ang may karapatan na mag-utos sa lahat ng gagawin
Gusto ko kumain ng kumain ng lahat ng gusto kong kainin na pagkain at magiging taga-pagsilbi ko ang mga taong kilala at sikat na sa mundo ng showbiz
Gusto ko maglasing at sumayaw ng dancing queen
Gusto ko magtumbling hanggang sa maging baliw
Gusto ko sungkitin ang mga bituin, ilagay sa garapon at gawing ilaw sa dilim
Gusto ko magliwaliw mapa dagat man o himpapawid sakay ng eroplano at barkong kasing laki ng titanic ang dating
Gusto ko pumunta sa Seoul Korea at mameet ang mga crush kong artista
Gusto ko umakyat sa pinaka mataas na bundok at humiyaw ng humiyaw sa itok-tok
Gusto ko kumanta ng kumanta hanggang sa mapaos parang manok na tilaok ng tilaok
Gusto ko magdrama para maging artista
Gusto ko rin pumasok sa bahay ni Kuya at maging housemate niya
Gusto ko sumakay sa isang mamahaling sasakyan papunta ng kalawakan
Gusto ko maka apak sa buwan kasama ko ang aking prince charming na aking makakakissing scene
Gusto ko magbakasyon sa ilalim ng sea para makasabay ako sa pagsagot sa tanong na "Who lives in the pineapple under the sea?"
ilan lang yan sa mga gusto ko
Gusto ko lahat ng gusto ko magkatotoo
ikaw ano ang gusto mo?
BINABASA MO ANG
All About Life
PoetryNakakatuwa pala ang gumawa ng tula. When i was in Grade school hate na hate ko ang paggawa ng tula. Ganun din nung high school. But now nawiwili akong magcompose ng tula. Paki basa po please ....SALAMAT:)