Talento

347 3 0
                                    

Talento

by: LahVern

Lahat tayo ay may taglay na talento.

Na maipapamalas dito sa mundo.

Na dapat ay ipagpasalamat mo.

Dahil ito ay biyaya na ipinagkaloob sa iyo ng ating Dakilang Lumikha kaya dapat ay ipagmalaki mo.

Ang isang tao ay maraming taglay na kakayahan.

Kaylangan nga lamang ay mapagpraktisan.

Pero paniguradong mayroong bukod tanging talento na tinataglay mo.

Ang magpapakilala sa iyo.

Sa iba na may ipapamalas din na talento katulad mo.

Kung ang galaw mo ay magaling sa pagsayaw ikaw ay may dating.

Sa pag-awit may ibubuga ang iyong tinig kung ito ay nakatono at sa pandinig ay lumalambing.

Sa bawat pag-Sambit mo ng mga salitang magkakatugma at akma ikaw ay nagpapamalas ng galing sa pananalita.

Ilan lamang iyan sa maaaring angking galing mong tinataglay.

Sa pagpapamalas ng talento.

Huwag sanang sumama si hiya at si kaba sa iyo.

Sabi nga nila "practice makes perfect but no body is perfect"

Pero magtiwala ka lang sa sarili mo na ito ay maayos na magagawa mo .

Para masabi mong ang napagpraktisan mo ay naging perpekto.

All About LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon