3

18 0 0
                                    


After the event. Balik sa normal ang buhay ko sa skwela. Tuwang tuwa si Dad nung umuwi ako ng araw na yun at binalita sa kaniya ang pagkapanalo ko na pati ang skwelahan namin ay di mapigilan ang saya at gumawa pa talaga sila ng tarpaulin para sa akin pero madali ring lumipas ang mga araw at ngayon ay papatapos na ang huling semestre at summer na at ibig sabihin ay isang taon nalang at gagraduate na ako.

"Oy besh,ano na?Enebeyen,talak ako ng talak dito di ka naman nakikinig eh". Kasama ko pala si  Alexa ngayon.

"Ay pasensya ka na,may naisip lang,ano ulit yun?".

"Nakita ko sa bulletin yung picture mo nung exhibit, si Seb pala nanalo dun?".

Nang narinig ko ang pangalan nya,bumalik ang daan daang kuryosidad na pilit kong pinatay pagkatapos ng araw na yun.

"Kilala mo si Seb?". Tanong ko sabay tuon ng mga mata ko sa mata ni Alexa.

"Oo! At bakit ganyan ang reaction mo,type mo no?". Sunod sunod niyang sabi.

"Sira,hindi no!". Hilaw na tawa ko. Di ko naman talaga gusto si Seb, namimisteryohan lang talaga ako sa kanya.

"Ay akala ko type mo eh,wag na yun kasi may Aica na yun eh. Alam mo ba kilalang kilala sila sa school namin nung highschool. Perfect match nga daw made in heaven. Huling balita ko nag America si Aica nung pag graduate namin eh tas a month after sumunod si Seb at sabi sabi buntis daw si Aica kaya umalis ng bansa,ewan ko anong nangyari pero knowing how much Seb loves her,baka nga nagpakasal na sila".

"Ba't di ko nakita yung Aica nung exhibit,mag isa lang siya eh tas parang ang lungkot lungkot niya". Nagtatakang sabi ko.

"Baka nga naghiwalay sila pero ang labo naman,mahal ni Seb si Aica. Nung nanliligaw nga si Seb noon,palagi siyang hinihindian ni Aica kasi nangunguna palagi sa klase si Aica eh baka makasagabal daw sa pag aaral niya kaya nung pasuko na si Seb,napasigaw si Seb nun ng "Why it's so hard for you to say yes?"sa harap ng maraming tao yun ha, sa gym yun tas may ongoing event pa kami nun. Natahimik si Aica eh tong si Seb parang natablan na ng hiya,nag walk out at minutes after sinundan siya ni Aica then after a month ng walang ni isang balita kaming narinig ay nagulantang kami ng nakita naming magka holding hands na ang dalawa papasok ng kanilang classroom".

"So si Seb yung lalaki sa painting at si Aica yung babae? Eh parang ang bata naman yung nasa painting". Pagtatakang tugon ko.

"Painting?" Takang tugon sa akin ni Alexa.

"Yung painting nya nung exhibit,dalawang bata na nasa swing".

"Posible rin namang nakaraan yun. Diba nga sabi ko sayo highschool palang mahal na ni Seb si Aica, frst year highschool pa". Dagdag niya pa.

"May point ka .Baka nga si Aica yun pero bakit yung batang lalaki dun sa painting ay malungkot tas ang babae masaya,nakakakilabot yung painting na yun,di mo alam pero nagtataasan balahibo mo na parang maiiyak ka kasi ang lungkot lungkot tingnan". Sabi ko pa.

"Talaga? Di ko nga alam na nagpipinta pala yung si Seb" .

"So nung highschool kayo, di siya nagpipinta? Well, that's weird. Kung nakita mo yung painting nya sobrang ang bihasa ng pagkakagawa ala michaelangelo ang leveling eh kaya lang ang lungkot,ang dilim,ang sakit".

"As far as I remember ha, di naman ako nagkarun ng amnesia siguro besh, di talaga eh. Never kong nabalitaang nagpipinta si Seb, varsity lang siya ng basketball pero sandali nga, bakit ba ang dami mong tanong? Oa na curiousity na yan ah". Ngiting sabi niya.

"Eh kasi nga weird siya at yung painting nya. Halika ka na nga, merienda na tayo sa canteen". Tsaka ko siya hinila at baka san pa ang usapan mapunta.

Kinagabihan  di pa rin ako pinatahimik ng mga tanong sa isip ko at di ko rin waring masagot kung bakit pinagkakaabalahan kong i search sa facebook si Seb. Since maliit lang naman ang mundo namin nahanap ko ang profile nya.

Sebastian Alexander Sy with Aica Maxine Rama in New York City.

"Best Christmas ever".
A picture of a teenage boy Seb wearing a red folded polo and black faded jeans and as usual naka sneakers and there's a petite pretty girl in opposite of him - wearing a red flowing red dress naka ponytail ang buhok sa sobrang ganda nya kumikinang ang mga mata ni Seb na nakatingin sa kanya tas nakangiti lang sya.

When I check the date, 4 years ago? Seriously? Kaya naman pala parang ang bata pa ni Seb dito. Di pa siguro buntis si Aica nito at nasaan kaya ang baby nila? Ang ganda ganda o ang gwapo gwapo siguro.Pero ito lang talaga ang last post nya? Bat ang tagal tagal na?

At sa tagal kong tinitigan yung picture ay nakatulog na ako.

Linggo ngayon at kapag linggo'y maaga akong nagigising kasi magdadrive ako papunta sa favorite kong coffee shop hindi para magkape kundi para makapag milkshake, unfortunately may allergy ako sa kape.

Matapos kong ipark ang sasakyan ko ay kinuha ko na ang aking purse at cellphone sa compartment at lumabas na.
Pagpasok ko ay tumunog ang wind chimes sa pintuan at sinalubong ako ni Martin

"Magandang umaga Mam Ady, same order pa rin po ba?"

"Yes Martin, same pa rin".

"Okay po Mam, ihahatid ko po order niyo after 10 mins".

"Alright. Salamat. Dun lang ako sa same spot ko" Ngiting sabi ko at tumalikod na siya.

Umupo nako sa usual spot ko. I love the weather today, sobrang sunny. Ichecheck ko sana ang to do list ko sa cellphone ko ng tumunog ang wind chimes sa may pintuan. Literal na napanganga ako, andito siya. Di ko alam na morning person pala siya, 6 am pa kaya. At ng malapit na siya sa kinaroroonan ko ay di nasadyang natabig ang phone ko sa mesa at nahulog. Dadamputin ko sana ng may naunang kamay na kumuha nun. Imbes na tingalain ko siya eh alam ko naman kung sinong kamay to at ako palang naman ang tanging customer kanina maliban sa kanya na kararating lang. Mas inuna kong hablutin ang phone ko sa kamay niya ng may napansin ako. Umangat ng konti ang polo niya at sumilay ang benda sa pulo pulsohan niya. The wound is so familiar sa sobrang familiar ay di maiwasan ng mga luha kong magsitalunan. Nakita siguro niya na napatigil ako habang nakatingin sa benda niya kaya niya inalis ang kamay niya.

Nang makatayo na siya ay tinanong niya ako
"Miss okay ka lang?Heto na ang.."

Di ko na siya pinatapos. I grabbed my phone at lumabas na ako ng cafe at dun ko binuhos lahat ng luha ko sa kotse.

"Akala ko ba okay nako?" Ang tanging nasambit ko.

My Achilles HillWhere stories live. Discover now