4

21 0 0
                                    


My, no pls. Pls no. Mommy no pls!

Hagulgol ko. Nagising akong umiiyak at nag iisa sa kama. Pinilit kong kalimutan ang nakita ko kahapon hanggang nakatulog ako pero it seems na hanggang sa panaginip ay sinusundan pa rin nila ako. Pumasok ako ng banyo at naghilamos ng makita ko ang orasan na mag aalas sais na pala. Wala si Dad ngayon, umuwi sa probinsya kasi may konting problema sa farm.

I opened my closet and picked my black racerback and a combination of black and white stripes work out pants and running shoes. Kailangan kong tumakbo ngayon baka sakaling makalimutan ko yung nakita ko kahapon at makalimutan ko ang paulit ulit na panaginip na pilit kong binabaon.

Pagkatapos ay lumabas nako. I put my earphones on at nagsimula ng tumakbo.

"Hanggang kailan ka tatakbo Ady? Kahit anong takbo mo di mo naman mababago ang nangyari na. You put so much effort just to forget how pathetic you were when you made those decisions.Hindi mo na nga napanindigan, nakasakit ka pa ng iba".

Hindi ko aakalaing na sa simpleng pagkita ko ng sugat na yun ay huhukayin lahat ng nangyari sa napakadilim na bahagi ng buhay ko. Something is growing inside me again and I don't want it. I befriended loneliness for a very long time and I blamed it because I almost lost everyone. I need to put myself together so I won't cause harm to anyone again.

Today is the start of our vacation. Tapos na ang huling semestre sa taong ito and hello 4th year na pagbalik ko. I can't believe na malapit nakong makapagtapos ng BS in Psychology. Nasa kwarto ako ngayon at nakaharap sa laptop ko, I'll register today for the upcoming music camp. Pagkatapos kong mag register ay humiga ulit ako sa kama ng biglang tumunog ang intercom ko sa kwarto. I picked it up.

"Hello Mam Ady, andito po si Mam Alexa sa sala't hinihintay po kayo".

"Aw sige po bababa napo ako,pakisabi nalang po Manang, salamat."

"Sige po Mam". At binaba ko na.

I looked at my face in the mirror,ang putla ko na so I got my favorite lip tint and put some on my cheeks and lip balm on my lips.

Habang pababa ako ng hagdanan ay narinig ko na ang ingay ni Alexa habang kausap si Manang. Tatawagin ko na sya ng biglang napahinto ako sa tanong ni Manang.

"Ma'am Alexa, wala ka bang napapansin kay Ma'am Ady? Ipagwawalang bahala ko na lang sana ito pero ilang araw ko din siyang nakikitang tulala sa balkonahe ng kwarto niya. Huling kita ko kasi na ganyan siya alam niyo naman po anong sunod na nangyari". Buong pag alalang tanong ni Manang.

"Okay naman po si Ady manang, di naman na yun naglilihim sa akin kasi alam naman niya kung saan siya dinala ng paglilihim niya sa akin noon pero please continue to look after her dito sa bahay manang, ako na ang bahala sa kanya pag nasa labas kami".  Si Alexa pagkatapos inilapag ang baso ng juice sa mesa.

"Salamat Ma'am Alexa, alam mo naman na mahal ko ang batang iyan. Ayaw ko ng mangyari sa kanya yung nangyari noon, winasak ng pangyayari ang puso at pagkatao niya at laking pasasalamat ko na makitang sumisigla na ulit ang mga mata niya at nagiging madaldal na". Nakangiting sabi ni Manang.

"Oo nga po eh. Hindi naman talaga madali ang pinagdaanan ni Ady pero masaya din ako manang. Matagal nawala ang bestfriend ko and I finally found her again".

Bago pa ako maiyak ay binasag ko na ang pag uusap nila.

"Hoy Alexa Martini Salvador, anong ginagawa mo dito sa unang araw ng bakasyon?". Lumapit ako sa kanya at bineso siya.

"Let's go to the bar tonight, may gig ang boyfriend kong si Christian sa Atmosphere Club at since one of the adjectives that would describe a bestfriend is being supportive kaya dapat samahan mo ako at suportahan,ayt?".

My Achilles HillWhere stories live. Discover now