[ a/n: HAHAHA! :D try lang..sana magustuhan niyo. credits to my classmate! nabigyan niya ako ng idea na pang short story. actually yung ibang scenes nangyari talaga sakanya. haha! pero 1st attempt ko pa lang naman..kaya sana magustuhan niyo.. enjoy reading~! VOTE COMMENT! ^_^ ]
-----------------------------------
MY FOREVER CRUSH
Gina's POV
*AAAAAAHHHHH!!!!!!*
tili ng mga babae dito sa may hallway nung makita nila ang gwapong gwapong si Kyle.
Haayysss... since 1styear ko nang crush ang lalaking yan. At 4thyr na ako ngayon. at hindi ko rin alam kung alam na niya. Kasi naman tong mga barkada ko sobrang daldal. Ipagkalat daw ba na crush ko siya. Tsk.
"Hoy Gie! Ano?!? tulala ka na naman diyan.. porket andyan si Kyle e. yiiieee..." pangangantyaw ni Jade
"Tsk. Sira!" sabi ko
"Suuss...sira daw? If I know nagpapantasya ka na naman sakanya..hahaaha!" pang aasar ni Anica
"Che! Tara na nga sa room ang sakit sa tenga ng sigawan dito." irita kong sabi
"Asa ka! Bat kasi ayaw mong makitili din?" sabi naman nitong si Lea
"Ayoko nga! sasakit lang lalamunan ko noh! tska wala naman mangyayari kung makisali ako sa tilian nila.." pagmamaktol ko
"Suuus...bakit di mo itry ng isang beses? wala naman mawawala eh!" pagaaya ni Dess
"Tsk. wala ngang mawawala wala rin mangyayari. hssh! tara na kasi!" sabay walk out ko.
Aba! pagkaisahan ba naman ako??
Tsk. pumasok na nga ako sa room at umupo na sa upuan ko.
Kung tutuusin.. gwapo nga si Kyle, heartthrob siya ng school, matangkad, maputi, pero minsan masyadong mayabang sa pagiging gwapo. Nung una ko siyang nakita nung first year, ganto yun...
**FLASHBACK**
1styear HS year 200*
*AAAAHHHHHH!!!!*
ano ba yun! ang ingay naman dito sa hallway.
"Sis! May gwapo daw dun!" sabi ni Dess
"Eh?? Saan?" tanong naman ni Lea
Talaga tong mga to!
"Dun daw...dun..." sabay turo naman ni Anica sa may unahan.
Pinuntahan namin at nung makita namin, papunta na siya sa direksyon namin.
*AAAHHHH!!!*
tuloy pa rin ang tilian ng mga babae at pag tingin ko sakanya..
O_O
GWAPO NGA!
"Gwapo teh!" bulong ni Jade
"Psh!" sabi ko
gwapo nga para namang ang yabang..
"AH! hindi ka nagwapohan Gie?" tanong ni Dess
"Hindi." ako
"WEHHH????" silang tatlo
napatingin naman sa amin yung gwapong nilalang. at
O___O
ngumiti sa amin. Shet! GWAPO NGA! O_O
"Ohhh ano Gie? hindi pa rin gwapo?" tanong ni Lea
Hindi pa ako nasagot kasi narinig din nung gwapong lalaki yung sinabi ni Lea at hinihintay ang sagot ko. Napatahimik naman ang crowd at naghihintay rin ng sagot ko. tss. tsismosa!
BINABASA MO ANG
My Forever Crush- one shot story
Tienerfictiewhat if yung long time crush mo ay gusto ka rin pala at liligawan ka na??..then one day...biglang hindi na pala?!? what the!!