Chapter 2: beautiful danger ^_^

2K 50 3
                                    

I would like to dedicate this chapter to michzeablurry

Brylhein's POV:

*Kring....kring*

"hmmmmm......" mahina kong ungol saka ko inabot ang alarm clock ko na nasa sidetable saka ko ito pinatahimik

'Umaga naba agad?'

Tumayo na ako sa kama at nagstrech-strech ng kunti saka ako pumasok sa cr

15 mins later

Tapos na akong maligo ~o~ antok parin ako HAIST! pumasok na ako sa walk-in-closet ko at doon na nagbihis, wala namang required uniform doon sa bago kung school, so Iam now wearing a red Turle neck Dress na may sleeve hanggang sa pupulsohan at 4inches above the knee, saka nagsuot din ako ng red 4inches. heels

Sinuklay ko lang ang blonde kung buhok saka ako ng lagay ng lipbum sa labi ko, kinuha ko na ang gamit ko pang school at inilagay sa bag

Naglalakad na ako pababa sa hagdan ng makita ko si Nana Beth, isa sya sa mga katulong namin at sa ngayon ay pinupunasan nya ang staircase

'Malinis naman ah? si mommy siguro ang nagsabi sa kanyang linisin to, perfectionist eh!!'

"Ohayõgozaimasu, nana beth" bati ko sa kanya

Tumigil sya sa kanyang ginagawa bago tumingin sa akin "Oh! good morning din young lady"

"Si mommy?"

Nagisip muna sya ng sasabihin nya "Nasa dining po, maykausap na bisita"

"Ok salamat" pasalamat ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad

Malapit na ako sa dining ng makarining ako ng tawanan, isa doon si mommy, alam ko ang tawa nya pero ang kasama nya ay familiar lang

"Good morning" bati ko

Tumingin naman sila sa akin

"Oh anak! nanjan kana pala" masayang sabi ni mommy

'Wala! nasa kwarto pa ako, aswang po ako awooooo, psh.'

"Yeah" saad ko na lang

"Dear this is Clareen Mallon, sya ang asawa ng may ari ng Mallon University at ninang mo sya" masayang pakilala ni mommy

Tinaasan ko sila ng kilay bago ako umupo sa pwesto ko, inilagay ko sa upuang nasa kanan ko ang bag ko, nasa tapat ko si Mrs. Mallon a.k.a ninang at si mommy naman ay nakaupo sa upuan sa kaliwa ko

'Ninang ko sya pero wala naman akong natangap galing sa kanya noong kabataan ko ah!!, dba ganon yon, pag ninang ka dapat kang magbigay ng regalo sa inaanak mo lalo na sa pasko -_- '

"Anak ibaba mo yang kilay mo" bulong ni mommy sa akin

Binaba ko naman yon, hindi ako sanay sumuway sa kanya!

"So brylhein, kamusta ka na man?" tanong ni mrs. mallon, ng nasa kalagitnaan na ng pagkain namin

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng matamis "Ok lang naman po"

"Ang ganda mo talaga, mana sa mommy mo! pffttttt.....kaya mukang natikman na lahat ng klase ng sandata" natatawang saad nito at binulong pa nito ang huling sinabi, dinig na dinig ko naman psh...

Tumingin ako kay mommy para makita ko ang reaksyion nya, gets ko ang sinabi ni Mrs. Mallon eh

Mom rolled her eyes "Wag mo kong idamay sa kabaliwan mo Clareen at saka ikaw kaya yon!" naiiling na sabi ni mommy pero may matamis na ngiti sa labi

Ive Fallen Inlove With A Knight ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon