Chapter 36: Death Anniversary

550 11 1
                                    

Third Person's POV:

Tahimik syang pumasok sa loob ng kwarto ng taong tinatago nya sa lahat. Mahabang panahon itong nasa coma at kahapon lang nagising

Nakapikit ito kaya mas lalong napagmasdan nya ang gwapo nitong mukha. May katandaan na ito at matagal ding natulog pero matipuno parin ang pangangatawan

Nilapitan nya ito saka nya tinangal ang kanyang maskra sa mukha at hinalikan sa noo ang natutulog na ginoo

'Magpalakas ka muna dad bago ka gumanti'

Ibinalik nya sa mukha ang maskara saka ngumiti at umalis

"Make sure he's always safe" sabi nya sa 5 men in black na naka bantay sa oras na yon

Sumaludo ang mga ito sa kanya. Tumango sya saka tuluyan ng umalis

**************

Hanz's POV:

Tanang buhay ko pinangarap kong makita ka sa personal, mayakap, mahalikan, makausap, at makainuman pero kahit anong gawin ko hindi ko yon magagawa dahil maaga mo kaming iniwan, dad

"Kung nasaan man ang daddy ninyo alam kong proud sya sa inyo" sabi ni mommy na kanina pa nagsto-story telling tungkol sa buhay ni dad at sa love story nila

"We know mom" sabi naman ni twinnie na naka higa sa ilalim ng palida ni dad, umiiyak

Tinignan ko ang lapida ni dad

Bryan Santhander
+ November 15 19**
× April 12 20**

"Mahirap *snif* tanggapin na wala na sya *sob* pero kakayanin natin" pilit na ngumiti si mommy, pinapakita talaga nya sa amin na malakas sya at kaya nya

Pero kahit anong pilit nyang ipakita sa amin na ok lang sya nakikita ko sa kanyang mga mata na nasasaktan sya. Tulad ni twinnie naka poker face nga lumuluha naman. Tsk. naka salita naman akong hindi umiiyak noh!?

1st death anniversary ito ni dad kaya masakit parin sa amin lalo na kay twinnie, daddies girl sya eh. Masakit nga sa akin ang pagkamatay ni dad kahit hindi ko sya nakilala ng personal ano pa kaya sa taong nakasama nya ng matagal

"Umuwi na tayo dahil parang uulan na maya-maya" sabi ni mommy saka nagpunas ng luha

"Dito lang ako" matabang na sabi ni twinnie

Napa buga ng hangin si mommy na para bang sanay sya sa pagiging ganyan ni brylhein. Hinawakan ako ni mommy sa braso saka ako hinila pabalik sa van na sinakyan namin papunta dito sa cementeryo

"Pero mom si twi--"

"Masanay ka na anak, ganyan talaga si brylhein" pumasok na kami sa kotse "Noong mamatay ang daddy ninyo isang linggo syang nagcamping dito sa cementeryo habang noong nalaman nya ang dahilan ng pagkamatay ng daddy ninyo halos 3 buwan syang nandito. Umuuwi lang sya pagmaliligo kung hindi ko sya pinagalitan ng husto baka hanggang ngayon ganon parin sya"

Grabi. Hindi ko akalaing ginawa iyon ni twinnie. Tinignan ko sya, nakaupo na sya ng parang japanese habang nakayuko ang ulo sa harapan ng lapida ni dad

*Bershhhhh* malakas na bumuhos ang ulan na halos hindi ko na makita si twinnie

"Mom! si twinniee--"

Ive Fallen Inlove With A Knight ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon