Chapter 27: Invesment Party

662 13 0
                                    

Brylheins POV:

"Talaga bry!?" shock na tanong ni michelle matapos kong sabihin sa kanila na may kakambal ako at ipapakilala namin sya sa invesment party ngayong gabi

"Yup!"

"Congrats bry, sa wakas nadinig ni lord ang mga panalangin mong magkaroon ng kapatid" -renalie

"Hehehe salamat"

"Any way ngayon mo na gawin yong kanta na kulang mo sa pustahan natin" -anne

"Hindi mo pa pala nakalimutan yon anne!?" ako

"Ahahahaha oo nga! kulang nga pala yon" renalie

"Pwede bang bukas nalang, nandito na ang sundo ko" ako

"Sundo?" renalie

"Yeah kaylangan ko kasing maghanda" ako

"Tsk parang hindi naman kami kasali doon sa party na pupuntahan mo eh no?" anne

"Ahahaha oo nga noh but magtwi-twinnie day kami ni hanz eh sooooo baboooo" sabi ko saka tumayo at lumabas na sa cafeteria

Hehehe Iam so excited for tonight AYIEEEEE

**********

Someone's POV:

"Their heading to the mall" sabi ng isa sa mga kasama ko na nagmomonitor sa sasakyan ng Underground Queen

"You know what to do" sabi ni madam sa pamamagitan ng earpiece

Nagsitanguan kami kahit hindi iyon makikita ni madam. 3 ibat-ibang sasakyan ang ginamit namin habang sinusundan ang sasakyan nya

"Akala ko sa mall ang punta nya, bat umiba ng daan" sabi ko ng makitang pumasok sa may eskinita ang sasakyan na ginagamit nya at siguro mas mahal pa yong sasakyan na yon kisa sa buhay ko

"Alam na nya!" nagpapanic na sabi ng hacker namin na nasa Headquarters

'Shit! bat ba ang galing nya'

"Madam, orders?" tanong ng isa sa mga kasamahan ko

"Continue the mission" sagot ni madam

'If only I have a choice. I guess this is my destiny'

Dumadaan kami ngayon sa daan na nasa pagitan ng mga palayan. Sa 'di kalayuan ay mga bahay-bahay na

"Fire men!" utos ng lider namin kaya isa-isang lumusot sa may bintana ang mga kasamahan ko habang yong naka sakay sa van ay binuksan nila ang pinto nito upang doon ipalabas ang bomba na nasa bazooka "Fire!"

Pinauna namin ang bomba ng bazooka na nailagan lang ng sasakyan ng reyna

Tsk. Bat ang galing galing nya!?

***********

Third Persons POV:

Habang nahihirapan ang mga taohan ni Madam sa pagpatay sa nakangisi lang na reyna, hindi nila alam na ang naka sakay doon sa sasakyan na yon ay ang magkambal na sina Camilla Brylhein at Hanz Chailo. Ang Reyna at Emperor

Si brylhein ang nagmamaniho kaya mas nahihirapan ang mga kumakalaban sa kanila na humabol

"May paparating na bazooka, twin" babala ni hanz pero ngisi lang ang sagot ni brylhein

Ive Fallen Inlove With A Knight ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon