Chapter 1 : “Getting to know him”
"Hello?" Walang sumasagot.
“Hello? Sino ‘to?” Purong katahimikan lang ang maririnig sa kabilang linya.
And then, *toooot* *toooot* *toooot* they hang up. -_-. I turned off my phone. Yes! Hindi ko lang basta nilapag yung cellphone ko sa drawer, I turned it off. Pano ba naman! Kay aga agang bwisit ang sumalubong sa araw ko. Araw araw na lang na ginawa ng Diyos! Palaging may tumatawag sa akin tuwing umaga kahit nakailang palit na ako ng number ko. T_T. I really wonder tuloy kung sino ba ‘siya’ o ‘sila’ and what is the benefit of calling a random number very early this morning to wake up someone, then after answering the call, they will just hang up. May mga tao talagang walang magawa sa buhay at mayaman sa load.
Habang nakaupo ako sa kama ko ay isinuot ko ang makapal kong salamin at nilibot ko ang mata ko sa kabuuan ng maliit kong unit. Puro alikabok ang mga appliances . Puno ng sapot ang bawat sulok ng kwarto. Nagkalat ang mga damit na pinagbihisan sa lapag at punong puno ang lababo ng mga pinagkainan. Nanatili akong nakaupo at biglang napabulong, “ Kailan na ba ako huling naglinis ng unit ko? ” sabay hilamos ng dalawa kong kamay sa aking mukha.
Nagpasya akong tumayo na at maglinis man lang ng konti sa unit ko. Pagtayo ko ay nasagi ko ng di sinasadya yung mini table ko kung saan nakapatong ang laptop, ballpen, notebook at alarm clock ko. Nalaglag yung alarm clock sa sahig. Pupulutin ko na sana ito nang makita ko ang oras dito, ‘10:35’ am nang may bigla akong naalala… “Shit! Shit! Shit! May appointment nga pala ako mamayang 11am!” Yung kanina kong sabi na maaga pa.. binabawi ko na! Sabay takbo ako sa banyo para maggayak.
Third Person’s POV
Siya si Yohann Fausto, 23 years old. Half Spanish- half Filipino ang lahi niya kaya hindi mo maikakaila na may ibubuga sya pagdating sa itsura. Isang sensational writer NOON dahil sa mga book niyang sumikat noong early 2000’s. Isa na roon ang best seller na “The Only You”, isang heavy dramang kwento about sa isang ina at anak. Ngunit gaya nga ng nabanggit ko kanina.. noon yon. Sa paglipas kasi ng panahon ay nagbabago din ang gusto ng mga tao kaya kung heavy drama noon ang hilig ng karamihan ng mga readers, ngayon ay gusto na nila ng mga romantic comedy o kaya naman ay sci-fi stories. Kaya sa unti unting pagkawala ng interes ng mga readers sa heavy drama ay siya rin namang unti unting paglaho ng pangalan ni Yohann Fausto sa kani kanilang mga pag-iisip.
---
Aligagang aligaga ngayon si Yohann sa pag-aayos dahil malelate na siya sa meeting niya with the representative ng Dream Tale. Ang nag-iisa na lamang na publishing house na tumanggap kay Yohann at sa mga gawa niya.
BINABASA MO ANG
A Writer's Tale: Limelight
Roman pour AdolescentsHe is rich, handsome and a sensational writer. But time flows really fast, his limelight season comes to an end. Back from the start… with only his laptop, ballpen, and notebook in front of him, what will he do next? Join Yohann in his journey to...