Chapter 3: “Getting to know her”
Adrianna’s POV
Naglalakad ako ngayon paakyat sa kwarto ni Yohann. Hay, naiinis talaga ako sa building na to. Ang dumi ng mga sulok sulok ng hagdan saka dapat naglagay sila ng elevator. Haler kahit na hanggang 3rd floor lang tong building nila ay di na ibigsabihin nun na titipidin na nila yung mga nakatira dito. Nakakapagod kaya umakyat sa hagdan kawawa naman yung mga nasa 3rd floor. I can feel there pain. Chos.
*knock* *knock*
“Yeo? Si Adri to. Gising ka na ba?” I know maririnig niya ako kahit tulog pa siya dahil sa lakas ng bibig ko. Hellllo mala Anne Curtis kaya tong bunganga ko. Haha. And my number 1 fan is none other than Yohann Fausto. Hahaha. Saka di naman ganun kalakihan yung unit ni Yohann. Tinignan ko yung relo ko at nakitang 8:00 am na. Aba! Tanghali na ah.
*knock* *knock*
“Yeo, alam ko nagising na kita. Buksan mo na to dali.”
“Bibilang ako ng tat-“ Binuksan na niya yung pinto habang nakakunot ang noo at saka humikab.
“Ang aga aga nambubulabog ka. Gusto mo bang ipapulis kita?” Halatang bagong gising siya.
“At ano ikakaso mo? Tresspassing? E hindi pa nga ako pumapasok sa kwarto mo.” Sagot ko sabay belat
“Anu ba kasi kailangan mo? Sumasakit tuloy sugat ko dahil sayo eh.”
“Nalimutan mo na ba? Maggegeneral cleaning tayo! Kaya tumabi ka dyan.”
Di ko na siya hinintay magsalita ulit. Pumasok na lang ako at pinabuhat sa kanya yung mga dala kong timba at panglinis. Bossing ako neto e. Haha
3rd Person’s POV
Siya si Adrianna Nicole Garden. 22 years old. Isang professional architect. Pure blooded Australian just like her idol Ms. Anne Curtis although half Australian lang si Anne. Isinilang si Adri (as Yohann calls her) dito sa Pilipinas at dito na rin lumaki. Dito kasi nadestino yung daddy niya kaya nagmigrate na sila dito ng mommy niya who’s pregnant with her that time. Only child lang si Adri kaya di nakapagtataka na sunod sa luho siya. Pero kahit na ganon ay hindi siya lumaking matapobre at maldita. Nagkakilala sila ni Yohann dahil parehas silang nag-aral nung college sa ibang bansa at parehas din sila ng pinasukang school. She took architecture then Yeo (as Adrianna calls him) took engineering. Dahil na rin sa mga pinagsamahan nila, they considered their selves as bestfriends. Well, they act like one right? Haha.
BINABASA MO ANG
A Writer's Tale: Limelight
Ficțiune adolescențiHe is rich, handsome and a sensational writer. But time flows really fast, his limelight season comes to an end. Back from the start… with only his laptop, ballpen, and notebook in front of him, what will he do next? Join Yohann in his journey to...