A/n: Dalawang heartbreaks ang natanggapko ngayon. First, wala ng kasunod ang Sotus S The Series therefore, magkahiwalay na si Krist and Singto sa next project nila. Krist will play as the leading man in the series Mint to be, straight series. Si Singto naman, support role siya at engaged pa rin sa BL.
Second, about Max and Tul of Together with me. If I'm not mistaken parehas silang cast ng The Parasitic Daughter in Law pero hindi sila ang magkalove-team. Si Simon Kessler and loveteam ni Tul. So sad for my Max. Huhu.
***
"Welcome back to Entertainment Portal!" magkasabay na wika ng dalawang host na babae. "Nandito pa rin tayo kasama ang most hottest and in demand couple sa ngayon, Caleb Saavedra and Axel Villaflor." at ngumiti naman ang dalawa.
"So Caleb... Axel, your series received a lot of positive comments and opinions. Sabi pa ng iba, it is a major breakthrough in the Philippine television since it tackles about man to man relationship. What's your take regarding this matter?" tanong ni Ms. Lian, isang well-known entertainment host.
"Ahh. Honestly, kagaya ng sinasabi namin sa past interviews namin, we didn't expect that we'll reach this far. I mean, yes, the story is promising pero I don't think na handa na ang mga Filipino sa ganitong klase ng storya noon. But... surprise! Hindi namin akalain na magboboom ito ng ganito." sagot ni Caleb.
"Totoo. For us, we just wanted to do a different kind of series kaya tinanggap namin 'to. Way back then, I have no clue na ito pala 'yung magdadala sa amin dito, sa ganitong posisyon so thankful ako na hindi ako naghesitate na tanggapin itong project na 'to and at the same time, thankful rin ako sa mga taong patuloy na nakakaapreciate ng palabas namin since hindi po talaga madali itong ginagawa namin. Seeing your positive reviews and comments make us feel happy. Mas naiinspire kami na mas pagbutihin pa yung ginagawa namin." sagot naman ni Axel.
"At nakarating rin sa aming kaalaman na malapit na palang matapos itong serye ninyo? Gaano katotoo?" tanong naman ni Ms. Lisa, isa ring kilalang showbiz host.
"Umm. Totoo siya. Actually, siguro mga one month na lang siya."
Uhhhhhhhhh
Hindi maitatago na lahat ng mga tao sa buong studio ay nanghinayang ng makinig mula sa dalawang binata na malapit ng magtapos ang serye nila. May mga sumisigaw ng part two, may mga nagsasabing huwag. May isang babae pa ngang napaluha. Tunay na naging parte na silang dalawa ng buhay ng mga taong humahanga sa kanila.
YOU ARE READING
Not Like The Movies
FanfictionIt was like a move scene the way I fell for you Only you didn't fall Now it's not like the movies at all. - Not Like The Movies by KC Concepcion For all Peraya shippers out there. Photo credits: (for the book cover) Photo not mine. All credits goes...