Six

150 5 2
                                    


A/n: Ngayon ko na-realize na ibang iba na pala talaga 'yung way ko ng pagsusulat. Parang ang purol purol ko na tho di naman talaga ako tumalas, pero mas pumurol yata. HAHAHA. Nagsusulat na lang ako to fulfill my Peraya frustrations. :)



***




Kakatapos lang ng kasiyahan nila at nasa kotse sila ngayong dalawa. Tahimik na nagmamaneho si Caleb habang si Axel naman ay nakatingin sa labas. Sa tuwing may pagkakataon, sinusulyapan nila ang isa't isa ng hindi nila nalalaman. Tanging musika lang na nanggagaling sa radyo ng sasakyan ang maririnig. 



May kanya-kanya silang iniisip. Si Caleb, iniisip niya ang hinaharap. Iniisip niya kung papaano na sa mga susunod na araw, iba na ang katrabaho niya. Hindi na 'yung mga pamilyar na tao ang makakasama niya sa set at panibagong pakikisama na naman. At lalong lalo na, baka madalang na lang silang magkasama ni Axel dahil may kanya-kanya nga silang trabaho. Kung iisipin pa lang ang mga bagay na 'yun, nalulungkot na kaagad siya. Para bang ayaw na niya lang mangyari ang mga mangyayari. 



Si Axel naman, kanina pa niya pilit iniintindi kung bakit 'yun ang kinanta ni Caleb kanina. Kung susumahin, sabi ng isip niya, 'yung kanta ay patungkol sa isang taong ayaw mawalay sa isang tao. Ako ba 'yung ayaw niyang mawala, nasa isip niya? Bakit nung kinakanta niya 'yun, para bang sa'kin niya sinasabi 'yung bawat lyrics nung kanta? Pero sa kabilang dako, parang ang hirap namang paniwalaan na ganoon nga 'yun, baka isa lang sa mga fan service ni Caleb 'yun. 



Kung minsan, nahihirapan din sila sa buhay nila. Oo, masaya maging artista. Maraming taong humahanga sa'yo, maraming sumusunod sa'yo. Lahat maganda sa'yo at siyempre, maayos na buhay din ang kapalit nito. Pero siyempre, may downfall din. Isa an rito ay dahil nga artista sila, hindi nila malaman minsan kung acting pa ba o totoo na ang pinapakita ng mga kasamahan nila. Na kung minsan, hindi na pala arte na lang ang nangyayare, totohanan na pala, walang pang nakakapansin, wala pang nakakaalam. 



"Bakit ang tahimik mo?" pagbasag ni Caleb sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa. 



Napatingin naman at nagulat si Axel sa biglaang pagtatanong ni Caleb.



"Huh? Ah eh... wala naman. Pagod." at ngumiti ito.



"Mami-miss mo ba ako?" hindi alam ni Caleb kung bakit bigla-bigla, natatanong niya kay Axel ang mga ganitong bagay. Siguro'y dala na rin ng alak na kanina'y iniinom nila.



Nagulat man, hindi na lang ito ipinahalata ni Axel at pilit na umaktong parang normal lang.



"Ikaw? Hindi no?! ASA KA PA! Hahahaha." pero ng mapansing hindi tumawa si Caleb, "Siyempre, oo." dito'y tila nag-iba ang mood ni Caleb. "Ang tagal ko na ring kasama ka. Ang tagal na rin na puro mukha mo na lang 'yung nakikita ko sa set, sa social media... araw-araw. Siyempre hindi madaling kalimutan 'yun agad 'no." 

Not Like The MoviesWhere stories live. Discover now