A/n: Let me dedicate this chapter to Sir @HowToKissThisGuy. 'Yung Daddy Issues na lang niya ulit ang binasa kong story ngayon dito sa Wattpad and ang ganda ganda. 'Yun nga lang, it's on hiatus status kasi study first muna si Sir. Hello, Sir! I'm your newest fan. Hope you comeback and update Daddy Issues soon. :)
P.S. Lovatic ka din ba? HAHAHA.
(Intindihin niyo na lang 'yung wrong spellings at grammatical errors)
***
"At nagbabalik po ang... SHOWBIZ LIVE!" at narinig ang masigabong palakpan sa loob ng studio. "At ngayon nga mga kaibigan, ay makakasama natin ang isa sa mga pinakamakinang ang bituin ngayon sa industriya ng showbiz. Isa sa mga tinitilian at isa sa mga fastest rising stars not just here in the Philippines but also abroad. Without further ado, let us welcome, the other half of the hottest loveteam today CaXel, the man of the hour, Mr. Axel Villaflor!"
At tulad ng inaasaha'y halos magiba ang buong studio dahil sa lakas ng tilian ng mga taga-hanga ni Axel. Lalong tumaas ang mga larawan niya at tila nangingisay sa saya ang mga taong sumisigaw ng kanyang pangalan. Si Axel nama'y bagamat sanay na, ay hindi pa rin matapos ang pasasalamat dahil kahit sa kanyang pagpasok pa lamang sa entablado ng nasabing talk show ay ramdam na ramdam niya ang suporta ng mga taong humahanga sa kanya.
Sinalubong siya ng host at kinamayan siya nito sabay hatid sa kanyang upuan.
"Gandang Gabi, Axel." Bati ng host.
"Magandang Gabi din Papa Oh. Magandang Gabi mga ka-tropaaaa!" at hindi naman siya binigo. Isang malakas na sigawan ang isinagot sa kanya ng mga taga-suporta. Sa gitna ng tilia'y nakarinig siya ng isang malakas na "We Love You Axeeeeeeeel" at sinagot naman niya ito ng "Mas mahal ko kayo, guys." Pagkatapos ay hinarap na niya ang host.
"Ang lamig sa labas pero ang init init pa rin ng pagtanggap sa'yo ng mga tao ano?" isang ngiti naman ang kanyang isinagot. Hindi na naman kailangang patunayan pa ang sinabi ng ginoo sapagkat maging siya, tumatagos sa kanyang laman ang bawat sigaw at tili ng kanyang mga taga-hanga. "Kamusta ka na, Axel? I mean, after being in the limelight with Caleb and the whole cast of Not Like The Movies for almost four months until now na you're doing another project but not yet aired, anong pinagkakaabalahan mo?"
"Ahh aside from filming my next series po together with Miss Anne, mostly, I play sports po, Papa Oh. Volleyball, Basketball, Badminton, Table Tennis, Lawn Tennis... yan. Kung ano po ang trip ko per day. HAHA. But mostly either Basketball, Volleyball or Badminton. So madalas niyo po ako makikita sa mga courts ganyan. Bale, ito na po 'yung exercise ko. Instead of going to the gym, ito 'yung pangpapawis ko. And of course, kapag may mga fan meetings, rehearse rehearse ganyan."
YOU ARE READING
Not Like The Movies
FanfictionIt was like a move scene the way I fell for you Only you didn't fall Now it's not like the movies at all. - Not Like The Movies by KC Concepcion For all Peraya shippers out there. Photo credits: (for the book cover) Photo not mine. All credits goes...