Pagkatapos ng event ay sabay silang sumakay sa van na inihanda upang muli silang ihatid sa kanilang tinutuluyan. Hindi gaya noon, ngayoy tila hindi na sila magkakilala. Kahit magkatabi sila sa upuan ay parang may isang malaking pader na naghihiwalay sa kanila. Para bang nagbago ang lahat, parang bumalik ang lahat sa simula. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng mga taong nakapaligid sa kanila. Kanina pa kinakausap ng manager ni Axel ang manager ni Caleb kung bakit tila nag-iba raw ang pakikitungo ng alaga niya hindi lamang sa kanyang talent kung hind maging sa ibang kaibigan pa nila. Wala namang maisagot ang manager dahil kahit pati siya ay naguguluhan sa inaasal ng alaga.
Pagdating nila sa kanilang tinutuluyan ay kaagad na dumiretso si Caleb sa kanilang silid, at agad naman siyang sinundan ni Axel.
"Caleb?" tawag niya sa dating kapareha ngunit ni isang tingin ay hindi man lang siya binigyan nito, bagkus ay nanatili itong nakatutok sa kanyang cellphone. Ngunit tumugon naman ito ng simpleng 'huh'.
"Caleb!" sa pagkakataong ito'y may diin na sa boses ni Axel.
Naramdaman ni Caleb na may dalang diin ang pagtawag sa kanya ni Axel kaya naman bahagya siyang tumigil sa kanyang ginagawa upang harapin ang kanyang dating kapareha. Bago makipagtagisan ng titig ay huminga muna ito ng malalim at saka humarap ng nakangiti kay Axel.
"Bakit? Anong problema?" plain na sagot nito.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa'yo niyan? Ano bang problema, pre? Ba't parang... bigla bigla kang nagbabago?" mahinahong sagot ni Axel.
Napatawa lang ng kaunti si Caleb at imbis na sumagot ay bumalik ito sa kanyang ginagawa na siya namang ikinapagting ng sintido ni Axel.
"CALEB!" sa pagkakataong ito'y hindi lang diin, kung hindi may halong inis at galit na ang kanyang pagkakasambit sa pangalan ni Caleb. Ikinagulat ito ni Caleb dahil sa tanang oras na magkasama sila ay nito lang niya nakita ang ganitong side ni Axel.
"Ano ba?" pag-aalibi na lamang ni Caleb ngunit ang totoo'y mejo nataranta siya sa ekspresyong ipinakita ni Axel.
"Anong 'ano ba?'. Hindi mo ba talaga ako naririnig, o ayaw mo lang talaga akong pakinggan?" bakas pa rin ang matinding emosyon sa pagsasalita ni Axel. "Tinatanong kita kung anong problema mo. Tinatanong kita kung bakit parang bigla bigla kang nagba---"
"Wala! Wala akong problema. At lalong lalo na hindi ako nagbabago. Napa-praning ka lang kaya ka ganyan."
YOU ARE READING
Not Like The Movies
FanfictionIt was like a move scene the way I fell for you Only you didn't fall Now it's not like the movies at all. - Not Like The Movies by KC Concepcion For all Peraya shippers out there. Photo credits: (for the book cover) Photo not mine. All credits goes...