Eii Bender Special Oneshot: Happy Condolence

45 3 5
                                    




Sa isang malawak na sementeryo, nakalibing ang maganda at pandak na bruhilda na nagngangalang Eii. 666 na taon nang patay si Eii na kilala noon bilang EII BENDER.

Si Eii ay namatay dahil sa taglay na baho ng kanyang hininga. Naamoy nya ang kaniyang hiningang pamatay habang naghihikab.

Ang apo ng mga apo ng mga apo ng mga apo ng mga apo ng mga apo ng mga apo ni Eii ay nasa puntod ni Eii ngayon. Sila ay umiiyak di dahil sa kaniyang 666th death EIIniversary kung di dahil sa baho ng kanyang libingan.

Kahit patay na si Eii, buhay na buhay pa rin ang amoy na binubuga ng kanyang matinding bunganga. Nakakapagtaka nga dahil sa baho nito. Sinasabi ng ibang mga ninuno ng matatandang nasa sementeryo na nilibing daw yata si Eii nang nakanganga.

Naiyak na naman ang isang apo ng mga apo ng mga apo ng mga apo ng mga apo ng mga apo ng mga apo ni Eii at nagsalita ng utal-utal, "S-sana pa-pala, n-n-nang ni-ni-nilibing ang a-ating n-ni-ninuno s-si-sinipilyuhan a-at s-sinar-ra ang k-kan-n-n-yang bu-bunga-nga," humikbi pa ito ng malakas.

Dahil sa utal-utal niyang salita, hindi na ito naintindihan masyado ng mga tao kaya tumango na lang sila.

Maya maya ay biglang lumakas ang ulan. Ang puntod ni Eii Bender ay nakidlatan ng malakas at biglang bumangon si Eii. Ang panga ng mga tao ay nagsibagsakan. 'Di dahil sa takot kung di dahil tama nga ang hinala ng mga tao —— na nakanganga nga ito.

Biglang umihip ang malakas na hangin at nadala ng hangin ang hininga ni Eii. Namatay ang mga tao. Si Eii naman ay nagulat

at nilibing na lang ang namatay niyang mga kamag-anak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

at nilibing na lang ang namatay niyang mga kamag-anak.

Dali-dali na siyang tumakbo habang nagdarasal na wala sanang nakakita sa kaniya. Muniiiiit, nakita sya ni Amaterasu at nadapa siya sa Lawa ng Kaasiman.

Muntikan na siyang masunog sa sobrang asim ng amoy nito. Hinipan niya ang lawa at ito ay nag-evaporate kaya nasunog si Amaterasu at namatay sa kabahuan.

Nagpatuloy na si Eii sa paglalakbay. Siya ay nakakita ng baboy ramo at nainlove. Ang baboy ramo ay may hawak na pamaypay at bimpo. Nang halikan siya ni Eii Bender, namatay siya dahil nasinghot niya ang hininga nito. RIP baboy Ramo.


Nakungkot si Eii Bender at naiyak ng todo. Bumalik siya sa zoo na kaniyang pinanggalingan muniiiitttt wala nang tao maski hayop. Nagulat siya nang biglang nagilitawan ang mga hayop at tao at kumakanta ng Happy Birthday. May cake rin siya. Nang mahipan niya ang kandila ng cake, biglang bumagsak ang mga halaman at nalanta. Naging sementeryo na rin ang zoo. Kawawa siya.

Happy Birthday Eii Bender. Dahil Birthday mo, may libre kang TOOTHBRUSH, TOOTHPASTE, at UPUAAAANN!!!



•••••••
Happy Condolence Eiiiiii! Next na pooo!

Avatartar : Birthday SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon