A/N: Sasamantalahin ko na ang pag u-update nito. Hangga't wala pa akong pasok. :)
~
Isipin mo muna kung may masasaktan ka sa gagawin mo dahil ang SORRY ay umaako lang ng kasalanan pero hindi magtatama ng kamalian.
~
Kadalasan, Hindi napapansin ng isang tao ang ginagawa mo para sakanya. Tapos pag tinigil mo na, sasabihin nya nagbago kana.
~
Maraming namamatay sa maling akala. Kaya kung akala mo maganda ka, ay ate condolence mamatay kana.
~
Sige lang pagusapan nyo 'ko. Punyeta kayo!
~
Alam mo yung sweet? Yung hindi sila pero alaga nila ang isa't isa yung naghihintayan sila hanggang maging PWEDE NA.
~
Sa panahon ngayon pag nahulog ka sa isang tao, sahig nalang ang sasalo sa'yo.
~
Wag mo iyakan ang pagiibigan nyo na hindi mo ipinaglaban.
~
Minsan hindi mo napapansing maraming nagkakagusto sayo, kasi hinihintay mo pa din yung taong imposibleng mapasayo.
~
Masakit makita ang taong hinihiling mong maging sayo pero masaya sa iba. Ngunit wala ng mas sasakit pa sa taong nasayo nga, umiibig naman sa iba.
~
Kahit gaano man ako kaingay at kagulo, tumatahimik din naman ako tuwing nagseselos at nasasaktan ako!
~
Hindi ako magbabago para lang sa mga taong hindi ako tanggap, Dahil hindi man ako gusto ng lahat, atleast hindi ako nagpapanggap.
~
Ang tao hindi yan parang lugar na pwrfe mong balik-balikan pagkatapos mong iwan
~
Nakakapagod man ang mahalin ka, wag kang mag-alala wala akong balak magpahinga.
~
Ang taong mahal ka isang text mo palang reply agad, Pero ang taong walang pake sayo, Isang text mo palang erase agad.
~
Sa sobrang close natin noon, hindi ko matanggap na kaya mo na akong tiisin at balewalain ngayon.
~
Yung moment na, Yung kaybigan mo gustong mapag isa, akala mo may problema yun pala may pagkaing dala!
~
Sa ugali parin talaga nababase, kung maganda o pangit ang isang babae.
~
Kung talagang mahal ka ng isang tao, hindi kanya bibitawan lalo na sa napaka simpleng at walang kwentang dahilan.
~
Mahirap panghawakan ang taong hindi mo alam kung ano ka sakanya. Para kang humahawak ng bula na kahit anong ingat mo pwedeng mawala
~
Wag mo ng itanong kung bakit ako nabalian ng BUTO. Malamang nung nahulog ako, HINDI MO AKO SINALO.
~
Hanapin mo yung taong gagawin kang PRIORITY, hindi yung gagawin kalang TEMPORARY.
~
Magaling kalang magpaganda ng mukha pero magpaganda ng ugali hindi mo magawa.
~
Alam mo kung anong mangyayari kapag binabalewala mo ang isang tao? Tinuturuan mo syang maging masaya ng HINDI KA KASAMA.
~
Kung sino pa yung mahilig tumawa, sya pa yung madalas umiyak sa taong mahal nya.
~
If your not maganda, dont be feelingera, baka masapak kita.
~
Madaling sabihing okay lang ako kaso, mahirap nga lang panindigan kasi hindi naman totoo.
~