Maldita 04

3K 111 37
                                    

"Itaas ang tuition Fee!! Panatilihing mangmang ang mga dukha.." Sabay baba ko nung tawag.

"Grabe ka naman Dita.. Ganyan ka ba talaga kasama." Sabi ni RB.

"Hoy ikaw Bahaghari ka! Tigiltigilan mo nga ang pag Feeling Close mo sa akin!" Sabay irap ko. 

Panira kasi ng araw eh.. Kaasar.

"Hoy ka rin! Tigiltigil mo rin yang pag-mamaldita mo!." 

"Excuse me! This is my Hobby! And you have no right to prevent me.." Sabay turo ko sa mukha niya.

Simula ng dumating yang Rb na yan lagi na lang akong istress. Wala na siyang magandang naidudulot sa kagandahan ko :(

Naisipan ko namang umupo sa sala KO.

At pagkabukas ko ng TV ay saktong sampalan at sabunutan yung naabutan kong eksena sa The Legal Wife! Hi nga pala sa mga wala Cable dyan. Mainggit kayo :P

"Yan sige pa!!" Sabi ko habang nanunuod. Nako eh kung ganyan sana lagi ang episode ng The Legal Wife eh matutuwa pa ako.

Bigla namang tumabi si Bahaghari sa akin.

"Hindi mo ba alam na bawal umupo ang mga alipin sa pag mamay-ari ng kanilang amo?"

Agad naman siyang umupo sa may Sahig.

"Good!."

Habang nanunuod kaming dalawa bigla namang dumating yung kapatid kong si Loisa.

"Liah!!" Tawag nya sa akin.

Ano  ba yan kung kailan feel na feel ko na yung pinapanuod ko bigla bigla naman tong eeksena. -_- Bastusan?

"Oh?!"

"Bakit hindi mo man lang ako inimbita nung Birthday mo?" Sus yun lang pala eh.

"Yan lang ba ang sasabihin mo?"

"Wala pa rin talagang nagbabago sayo! Matanda kana Maldita ka pa rin! At wait sino naman yang lalaking yan? Jowa mo?" Yan! Yan si "ATE" wait did I called her sister? Well! Yan si Ate Loisa, laging masaya iniwan na siya't lahat tawa pa ng tawa. Like duhh. Baliw ang peg?!

"Ate wait!! Jowa?! Your so Cheap! He's my BodyGuard!"

"Owww! Ang cute naman pala ng bodyguard mo eh..."

"Cute? Sige sayo na!" Pagtataray ko. Ano ba ang mayroon kay Rb at bakit pati si Ate kung ano ano na ang sinasabi.

 "Ano ka ba Liah! Nako Rb pagpasensiyahan mo na yang si Liah talagang Maldita! Sana mapagtiyagaan mo siya ha.." Kung makapag tiyagaan naman! Grabe >_<

"Ay oo naman po!" Sagot naman nung asungot na yun.

Naisipan ko na silang iwan na dalawa!! Eh paano hindi naman ako nag-eexist!

Napag-isipan ko na munang magpunta sa pool area. Magpapalamig ako ng ulo, sobrang istress na eh!

===

"Hi po Ma'am Liah! Ang ganda nyo naman po." Bati ng alipin ko.

*Slap*

Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Bakit nyo naman po ako sinampal?" Takang tanong nya. Aba aba! Teka sumasagot pa..

LIAH ANG DAKILANG SENYORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon