Maldita 01

5.4K 146 64
                                    

SENYORA

Hello sa mga babaeng walang cleavage, ipinanganak ako para mainggit kayo.

Bukas na ang araw ng kapanganakan ng pinakamagandang nilalang na niluwal sa mundo. Happy Birthday to me.

Paano nga ba nag-cecelebrate ang isang Maldita? Simple lang.

Nag-iinvite ako ng mga Mayayaman at hindi dukhang kaibigan.

Agad ko namang tinext ang mga kaibigan kong MAYAMAN.

To Bianca:

Ola Bianca! Kung may oras ka, daan ka naman dito sa Hacienda, kaarawan ko kasi bukas.

(Hello Kaibigan kong Maldita! Happry Birthday sayo! Sure I'll be there anong gift ang gusto mo? :) ")

Sus ako reregaluhan mo Bianca? Wag ka ng mag-abala baka ikahirap mo pa. Dumaan ka na lang sa Hacienda masaya na ako. Tamang tama, maraming hugasan sa lababo bukas. Yun lang Ciao.

"INDAAAAAY!" Tawag KO sa katulong KO.

"INDAAAAAAAAYYY!"

"INDAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY"

"May kailangan po kayo?" 

"Wala! Trip ko lang sumigaw para lumabas yung ngalangala ko."

"Yung mga basahan ba na gagamitin bukas na Plantsa mo na?!"  Ganun talaga pag mayaman pinaplantsa ang basahan.

"Ah O-opo"

"Mabuti naman! Osya lumayas kana! Naiirita ako!!" Sabi ko.

Nakita ko namang nagpupunas si Elena ng mga vase, isa rin syang hampaslupa (Katulong/Utusan)

"Oh, bakit gumising ka pa? Eh wala namang nagmamahal sayo" Broken hearted kasi ang loka! Nakipagaway pa sa Hipon eh samantalang Sugpo naman sya. Diko talaga masikmura!

Badtrip ako ngayon... Nakakaasar! pano ba naman puro panget nakikita ko. Dapat talaga napapaligiran ako ng salamin para lagi akong good mood.

Naisipan ko namang magbukas ng twitter. Nabobored na kasi ako, at saka andami ko kayang Followers na hampaslupa!

Agad naman akong nagtweet.

"Hi! Ang tweet na ito ay para ipaalala na walang nagmamahal sayo :)"

Yun lang at nag-log out na ako, hindi ko keri ang mga kajejehan ng nag memessage sakin.

At dahil birthday ko bukas, mag sho shopping ako! Hello nga pala sa mga walang aircon dyan :)

Nandito na ako ngayon sa Mall KO.

Masyadong mabilis ba? Sorry naman nag-airplane lang.

Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng may nakita akong isda ay este tao pala na palihim na nagseselfie at take note naka "RETRICA" pa.

Bakit pa kasi naging available sa android ang Retrica, nag fe-feeling sosyal tuloy ang mga dukha ngayon. Kaasar.

Nabadtrip nanaman tuloy ako ngayon -_-

At eto pa ang matindi, yung babaeng naka cherry mobile ang phone pinipicturan pa yung pagkain.

Lahat na lang ng kinakain nya pini-picturan. Ay! oo nga pala, kailangan nya pala ng remembrance ng mga pagkaing minsan nya lang natitikman.

LIAH ANG DAKILANG SENYORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon