Maldita 25

1.4K 29 3
                                    

"Wag kang didikit sa akin baka masunog ka. Hot ko pa naman. Plastik ka diba?"

"Ate. I'm sorry sa lahat.." Sorry mo mukha mo.

"Baliktarin mo man ang mundo, nangyari na ang lahat! Diba ahas ka? Bakit nandito ka sa syudad? Ano fieldtrip niyo?"

"Darating din yung panahon na mapapatawad mo ako ate. Hindi ako titigil.." Tiningnan niya ako ng malungkot.

Ayan dyan siya magaling eh! Ang hilih mag-paawa!

"Kung feeling mo Leira naaawa ako sayo, sinasabi ko sayo YOU'RE NOT FEELING WELL!" Lumakad na ako palabas ng aking office.

Ang tanga tanga naman kasi nitong secretary ko. Sabi ng wag magpapasok ng kung sino sino eh -_-

Dumiretso na ako sa parking lot.

I was about to enter my car, when someone called my name.

"GANDA!"

Ayoko mang lingunin yung hampaslupang tumawag sa akin ay wala na akong magagawa.

"Yes?" -Kunot noong tanong ko. Halatang manghang mangha siya sa nakikita niya.

"H-ha?"

"Anong ha? Tanga ka ba? Tinawag mo ako tapos ha lang ang sasabihin mo?"

"Miss hindi kita tinawag. Ni hindi ko nga alam ang name mo eh."

Humalukipkip ako at nagsalita. "Sabi mo GANDA! Ofcourse tumingin ako kasi ako lang naman ang nag-iisang ganda sa balat ng lupa!" Nakakaistress 'tong Babae na to!

Tumawa ito ng pagkalakaslakas. Yung tipong parang wala ng bukas.

"Grabe! hahahhaha! Miss ang sinasabi kong Ganda is yung light dyan sa likod mo. Tingnan mo! *Sabay turo niya sa may likod ko* Ganda diba?" At tumawa nanaman siya. Ang kapal! Ang kapal ng gums niya!

Habang tumatawa siya ay ni head to foot ko siya. "MARUNONG KANG RUMESPETO SA MAS NAKAKAGANDA!" At tumalikod na akonsa kanya.

Wala akong panahon para makipaglaitan sa hamapaslupang yon. Hindi siya karapat dapat sa pake ko.

Kaya nama dahil nagugutom na ako ay, nag decide ako na magdinner muna sa Vikings.

--

Habang naglalakad ako papasok sa loob, ay may naaaninagan akong pamilyar na mukha.

Oh! Great! Si Rb at ang Girlfriend niya hipon!

LIAH ANG DAKILANG SENYORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon