"She a witch?"
Mahinang tanong sa kanya ni Fredo. Inaayos nito ang kanyang mga dalahin at handa nang lumulan sa barko. Kahapon, dumating ang sulat ng ama nito na kailangan nitong bumalik ng Alemanya sa lalong madaling panahon.
"I am not certain, Fred. They where called Asuangs here. Mangkukulam, those were the witches." Sagot niya.
Palibasa ay dalawang buwan pa lamang si Fredo na nanatili sa kapuluan kaya't hindi ito pa ito bihasa sa wikang ginagamit ng mga katutubo dito. At dahil hindi din bihasa sa Latin, Ingles ang ginagamit nila.
"One of us then?"
Tumango siya.
Sa kabila ng pag-alis nito at paghiwalay sa iniibig, mukhang maligaya ito. Maaliwalas ang mukha.
Maaring may pangyayari kagabi. Nakita niya ang paglabas nito sa kanilang bahay na tinutuluyan. Umaga na ito bumalik.
"You are with Victoria last night?"
Ngumisi ito sa tanong niya.
Sinasabi na nga ba. Tama ang kanyang hinala.
"No ocean will ever separate us. We are bounded."
Nakita niya ang pamumula ng mukha ng Aleman habang nakatitig sa dagat
Pinilit niyang ngumiti kahit na naaasiwa siya.
Napakabata pa nila. Labing anim lang ang pinsan niyang si Victoria, ni hindi pa nagigising ang dugo nito. Si Fredo naman ay tanya niya'y dalawampu't isa. Ito ang pinakabata sa tatlong magkakapatid pero ito ang inaasahan ng ama nitong maging tagapagmana.
"I marked her."
Lalo siyang napangiwi. Hindi ba napakaaga pa para ganoong bagay. Mukhang kailangan niyang kausapin ng masinsinan ang babaeng iyon. At kailangan din niyang matiyak na hindi ito malalaman ng ama nito.
Mapanganib. Itinuturing na mababang uri ng mga nakatataas sa angkan nila ang mga tulad ni Fredo.
Tumunog ang kampana ng galleon sasakyan nito. Maglalayag na ito. Dadaan muna ng Mehiko bago tumuloy sa Espanya.
"Will you give this to Antonio?" Inabot niya ang isang sobre sa kay Fredo na papasakay na.
Alam niyang naroon sa Mehiko ang lalaking iyon ngayon. Nasa bansa ng katipan nito. Marami siyang gustong itanong. Marami siyang gustong malaman.
Paano itong nakilala ni Hana? At bakit tila nalungkot ito ng sambitin ang pangalan ni Antonio?
Ngumiti ito sa kanya at tumango. Maya-maya pa ay lumulan na ito sa malaking sasakyang pandagat.
Dinig na dinig niya ang mga masasayang pamamaalam ng mga tao sa paligid, ang iba naman ay mga panaghoy nang mga nawalay na kamag-anak. Ang iyak ng mga ina. Ang pagtatangis ng mga anak.
Napagtanto niya na hindi lang mga kalakal ang dala ng galleon na iyon. Mga esclavo din. Mga alipin.
Kumurot ang kanya puso sa mga nasasaksihan. Hindi tamang maging pag-aari ng isang nilalang ang buhay ng isa ba. Ang lahat ay pinanganak na malaya. Walang sino mang dapat mag-alis noon kanino man.
Kung may magagawa lamang siya.
Mamaya-maya pa ay nasamyo niya ang mabangong amoy na iyon. Agad siyang lumingon sa pinanggalingan.
Napansin niya ang isang anyo sa may di kalayuan. Umaalon ang mahabang buhok nito sa hangin habang nakatitig sa papaalis na barko.
Tama siya. Andito nga si Hanan.
Ngunit bakit? Anong ginagawa nito dito?
Malungkot ang anyo nito. Tila nalulumbay sa paglisan ng saksakyang pandagat. Nadinig pa niya mula rito ang malalim na buntong-hihinga.
Akmang lalapitan na niya ito nang maunahan siya ng tatlong lalaki. Mabilis ang pagkapit nila sa braso nito. Agad itong napasigaw.
Mga pangahas. Bakit nila hinahawakan si Hanan ng ganoon nalang?!
Hindi niya maintindihan, napupuno nang masidhing galit and dibdib niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon.
Nagkagulo ang mga tao. Nasisigawan.
"Aswang!"
"Isa siyang Asuang!"
"Bitayin!"
"Patayin!"
Agad siyang napitlag sa mga katagang iyon. Napigalan nito ang tangka niyang paglusob. Hindi siya ang sinasabihan nga mga tao.
Si Hanan.
Nakatingin ito sa kanya. Umiiling.
Hindi na siya makagalaw sa kinatatayuan nang makitang sumama si Hanan sa mga humuli sa dito. Pinilit itong isakay siya sa isang maliit na kulungang gawa sa kahoy. Hila-hila ito ng dalawang kabayo.
Lumingon pa ito sa kanya bago umalis ang sinasakyan.
May inilabi ito sa kanyang mga salita. Agad niya namang naintidihan.
"Umalis ka na dito."
BINABASA MO ANG
Isang Umaga at Takipsilim
VampirePrequel of Requiem Kasalukuyang nahihirapang huminga ang manunulat ng akdang ito dahil sa patuloy na pag-agos ng masaganang dugo sa kanyang ilong. Hindi pa sigurado kung itutuloy... Paumanhin. Kung nag iisip kayo kung ano yung IKOT... click the exte...