Note:
Hello po! This might be a short chapter so sorry po in advance.
Still, thank you po for reading my story kahit hindi po ito kagandahan. I really appreciate it po. =D
By the way po, i-fast forward po natin ng konti yung time setting. Summer na po ulit dito.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Jai's POV:
Magiisang buwan na rin mula nung nagbreak kami ni Alec. Summer na ulit, akalain niyo yun? It's almost a month pero hindi pa rin kami nakakapag-usap ulit ni Alec ng matino.
Pero ang nakakatawa pala, hindi pa alam ng mga magulang namin na naghiwalay na nga kami ni Alec. Hindi namin masabi-sabi kasi nga botong-boto sila para sa amin.
Kaya napagkasunduan na lang namin na hindi na muna sabihin. Kumbaga, kami pa rin sa mga mata ng mga magulang namin kahit hindi na talaga.
Hindi na rin pala siya nakakabisita sa bahay namin since then. Well, sakto lang naman na finals namin at that time kaya may excuse ako sa tuwing tinatanong noon nila mommy kung bakit hindi na dumadalaw si Alec sa bahay. Mabuti na rin na finals nga namin para hindi ko madalas isipin yung break-up namin ni Alec. At least busy ako sa pagre-review at pagtapos sa mga requirements namin bago matapos yung sem.
Pero mahirap pa rin para sa akin hanggang ngayon. Nasa "moving-on" stage na dapat ako pero di ko magawa-gawa. Ang sakit lang kasing isipin na naloko na naman ako. Bigo na naman ako sa pag-ibig.
Buti pa yung barkada, masaya. Nalaman ko na rin pala yung totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Kim kay Alec noon. Grabe pala yung pinagdaan niya. Hindi pala talaga niya ginustong makipaghiwalay kay Alec pero ginawa niya pa rin para sa pamilya niya. I'm amazed on how strong she is and how she handled her situation. Kung ako siguro makaranas ng ganun, baka lumayas na ako sa amin! Pero I hope she gets the happiness and love that she deserved.
Kay Kathryn naman, okay na kami nung bruha. Sinabunutan at sinampal ko lang naman ng bonggang-bongga kaya napatawad ko na. Loko lang! Pinsan ko pa rin siya kaya madali ko na lang din siyang napatawad. Tsaka hindi naman niya sinasadyang "tulungan" yung Claire na sumira din samin ni Alec. She was really forced to do it. Nagulat din kaya ako nung sinabi niyang pinagbabantaan siya ni Claire nun. Kung hindi lang ako nasaktan sa ginawa nila Alec at Kath, sinugod ko na talaga yung babaeng yun!
Sana lang talaga wag na siyang manggulo sa amin. Nakuha na niya gusto niya diba? Napaghiwalay na niya kami ni Alec. Wala ng "kami".
Pero na-realize ko rin, eventually I would have to face Alec and talk to him. Just to hear his side. Medyo nawala rin kasi ako sa sarili ko noon kaya hindi ko siya pinag-explain ng maayos. I know, baka hindi na nga kami bumalik sa dati, pero gusto ko rin ng maganda ay maayos na closure. Pero baka hindi pa ngayon. I still need time and space to think. Buti na lang at summer na, marami akong time para makapag-isip.
-----------
First day of summer pero wala akong magawa. Tapos ang init pa! Ang boring, hayyy.
Makapunta nga sa park! Malapit lang naman yun dito actually. Walking distance lang. Ay, tapos maga-ice cream ako! Suki pa naman din ako kay Kuya Manong (di ko alam yung pangalan niya hehe) na naglalako ng dirty ice cream. Oy wag kayong ano, kahit na may pera ako pambili ng Cornetto o Magnum, mas trip ko pa rin yung dirty ice cream. Tsaka, safe din naman at malinis yung binebenta ni manong kaya oks na oks. Haha!
...
Ayun si Kuya Manong!
"Hello po Kuya, pabili nga po ako ng isang ice cream, yung twenty pesos po. Lahat po ng flavors." Sabi ko sabay abot ng pera. Tinignan ko yung mga flavors, waaah yung mga favorites ko! Chocolate, ube, tsaka mango! Sarap. *o*
BINABASA MO ANG
You Are The One (JaLec Fanfic)
FanfictionStill my first JaLec fanfic! Nabura ko kasi yung luma eh. Still, please read this! May mga changes din kasing nangyari... A JaLec fanfic, with the special particiation of KathNiel and KimXi.