1

3 0 0
                                    

Prologue

Nasa playground kami ng school namin nung elementary. Maaraw pero malamig ang simoy ng hangin.

Nakaupo ako sa taas ng bakal na paarko na nilalambitinan ng mga bata na di ko alam ang tawag.

Siya naman ay nasa ilalim ng puno ng mangga malapit sakin. Nakikiramdam kung sino saamin ang unang magsasalita.

Pero hindi na siguro sya nakatiis at nagsalita na.

"Mae bakit mo ko nagustuhan?" Straight to the point na tanong nya sakin.

Hindi lang sigurong isang daang beses nyang tinanong sakin yan.

Pero sa tinagal tagal ng panahon ang lumipas, ilang daan beses manyang tanungin sakin yan hindi ko pa din alam ang sagot.

Anong isasagot ko..
Hindi ko alam, ginogoogle ko nato,pinagtanong sa mga experto pero wala padin akong nahanap na sagot.

"Sumagot ka!" sabi nya habang nakakunot ang noo sakin.

"Bakit mo ko naging crush, bakit mo ko nagustuhan?! I'm far from being perfect na iniisip mong ako! Gumising ka sakatotohanan hindi ako Prince charming mo or Oppa sempai mo o kung ano man"

"BWHAHAHAHAHAHA!" utas ako sa kakatawa sa sinabi nya. Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dito sa taas.

"Sa tingin mo ba iniisip ko pa din yan?! Cammon its 2018. Move on myghad!" sabi ko.

It's been 10yrs pero di ko pa din alam kung ano isasagot ko sa tanong na 'bakit ko sya nagustuhan?'. Letseng utak to purol. gghrrr

Letter #1

~Flashback~

Isa akong butihing mag aaral ng sa isang public school sa cavite.Tipikal na gusgusing grade six student sa lower section. My name is Love Marie E. Padua.

Hawak ang aking bag palinga linga ako sa hele-helarang estudyante dito sa field habang tumutugtog ang pambansang awit ng Pilipinas.

And finally nakita ako ang pila section ko. Patakbo akong lumapit.

"Nalate ka nanaman!" sabi ni maam sabay kurot sa tagiliran ko.

"Areey maam" Sabi ko.

"Dun ka sa likod!" sabi nya

Kaya ayun naglakad ako at pumwesto ko sa likod. Naramdaman kong may kumakalabit sa likuran ko.

Di ko pinansin malamang mga abnormal na classmates ko lang yun.

Sumabay nako sa pag kanta ng himno ng cavite.

MAHAL KITAAAA CAVITEEE!" todo todo ang kanta ko.

MAY ISANG SIGLO ANG NAGDAAN! "

BAYANG MUNGKAWI-Whatthefu guys!" hinarap ko na siya kasi ayaw talaga ko tigilan ng classmate ko kakakulbit!

"FOOTSOCKS ANO BANG PROBLEMA MOOO!" kunot ang noo at namumula sa inis kong sabi.

"mali ka kasi ng pinilahan! ayun ata yung section mo oh!" sabay turo sa kabila lang pila.

Isang poging nilalang ni lord pala ang nasa likuran ko. Singkit na malalim ang mata nya, matangos ang ilong, well arranged ang teeth na sobrang white medjo tanned skin pero makinis ang balat.

Yung pamumula sa galit, napalitan ng pamumula sa hiya.

First time ko makaramdam ng kahihiyan. Umeeffect pala sakin yun? Bukod sa ang gwapo nya, ang tanga ko din. Sana nilamon nalang ako ng langit at lupa.

"a-aah so-sorry..
sabi ko nga dudun ako hehehe tnx!" sabi ko sabay takbo papunta sa pila ng mga classmates ko.

Ang bobo, ang tanga tanga ko naman bat sa lahat ng mapipilahan ko sa starsection pa.
~*~
"Maraming gwapo dun sino dun!? Nagdadalaga kana talagaaaa ah!" tanong sakin ni beverly kaybigan ko.

"Hindi ko kilala ngayon ko lang sya nakita" sabi ko sabay kain ng nagarayang binebenta ng teacher namin piso anim.

" si rodney, yvan, or adrian? SINOOO" kilig na kilig si beverly habang nagtatanong.

DI KO NGA KILALA IHH, basta medjo matangkad sya sakin ng onti, singkit matangos ang ilong tas ang ganda ng ngiti nya.. "

May naisip ako!" tinaas ni beverly ang kanang kamay nya.

"yes mis sandoval?"

"Maam siCR lang po?" sabi nya. tapos my kinuha sya sa bag nya d ko alam kung ano.

"Sige" sagot ni maam.

Sinenyasan nya kong sumumama sakanya kaya sumunod naman ako.

Imbes mag cr, nagtaka ko naglakad sya pataas ng building namin.

"bevs, hindi jan ang cr" sabi ko.

"Sinong sabing mag ccr ako?"

"hah? sabi mo ke maam mag--" d ko na natapos ang sinasabi ko at binuksan nya ang pinto ng rooftop.

"Ugh. use this!" sabay abot sakin ng telescope.

"Ayun yung building ng starsection hanapin mo kung nasaan jan ang crush mo!"

Hindi nako nakapag salita kinuha ko si telescope ang hinanap ang crush ko.

"uhmmmm". sinilip silip ko sa mga bintana sa tapat naming building.

"wala ata".

"hanapin mo lang baka tatakpan lang sya ng mga classmates nyang nakatayo jan.."

May biglang tumayong lalaki, may black na relo may hawak na 3210 na cellphone, sa hairstyle at tayo nya alam ko na sya yun.

"Ayunnnn! bevs ayun syaaa"

"patingin!" sabi ni beverly.

"yung nakatayong yun na may black na relo at may hawak na cellphone! Nasight mo bevs?"

"OMG, kilala ko syaaa"

"Si adonis".

~End of flashback~

"Right from that very moment na sinabi sakin ng friend ko kung anong name nya. Makalimutan ko na lahat ng fomula sa mga equations sa math,statistic,accounting, ilang beses man ako mablanko sa recitation, mauntog man ako ng ilang daang beses ay hindi na naalis o maalis pa sa utak ko ang pangalan nya."

"Arayyy"Binatukan ako ng classmate ko.

"ilang daang beses mo din bang kelangan naikwento yan?Umay na umay nako baklaaaa"

"Incase lang makalimutan mo". Nandito kami ngayon sa apartment nya, nagrereview para sa midterm pero as always, nauwi nanaman sa kwentuhan ng lovelife.

"Makalimutan ko man or not, it doesn't change the fact na hanggang crush ka lang at hanggang dun nalang yun!" sabi ni mikka college classmate at one of my loyalfriend.Kahit kelan napakalakas manrealtalk netong babaeng to.

"hayaan mo nalang ako, dito lang kasi ako nagiging masaya..." pangangatwiran ko.

"Kelan ba kita pinigilan?" ismid nya. Mas okay namang straight to point sya mag salita kesa yung kaybigan na. Ang bait bait sa harap mo tapos, pag nakatalikod ka daig pa si mike enriquez kung mag balita ng katangahan mo sa kung sinu-sinong tao.

"mag-alasais napala! uuwi nako baklang sagad!" pagpapalam ko, sabay dampot ng bag ko sa higaan nya.

"di mo na aantayin?" tanong nya habang nagluluto ng hapun nya.

"ha? yan? di naa"

"NA IPAGTABUYAN PA KITA"

"hahaha sira ulo ka talaga!"

OUR TIME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon