2

0 0 0
                                    

Love Marie's POV

Kanina pako nag aabang maglaro si adonis para malagay ko tong love letter ko sakanya.
Kating kati nako dito sa damuhang pinagtataguan ko. jusko po!

At yun humiwalay na sya sa bag nya kaya ako pasimple ako lumalapit papunta sa bag nya, habang kunwari nanunuod ako sa nilalaro nila ng kaybigan nya.

Nang mailagay ko na ang love letter ko, ay tumakbo na agad ako palayo para walang makakita sa ginawa ko. Pero sa sobrang taranta ko ako pala yung di nakakita ng bato sa dinaanan ko.

Ahhgggh!" halos mahalikan ko na yung lupa. Wala talagang piniling oras at panahon ang balat ko sa pwet. Di talaga pwdeng hindi mamalasin.

Tumingin ako sa paligid kung nakakita sakin, kala ko wala, kaso meron. At nilapitan nya ko.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ni adrian classmate ni adonis crush#11 ni bevs.

Medjo kinabahan ako baka nakita nyang may nilagay ako sa bag ni adonis or baka isipin nya nagnakaw ako kaya ko tumtakbo.

"O-okay lang ako!" sabi ko habang inalalayan nya pa din ako tumayo.

"De okay nga lang ako! Di naman masakit ehh! He-he-he" pagsisinungaling ko kahit na parang bumaliktad na ata yung buto ng paa ko sa sobrang sakit.

"upo ka muna!"

"Hah?!"

"UPO!" Nagulat ako sa bulyaw nya kaya napa upo ako sa bleachers na malapit sa pinagdapaan ko.

Lumuhod sya harap ko at tinanggal ang sapatos ko.

Nagulat ako ng hilutin nya ang paa ko.

"Aagh.. Ag" di ko magilan mapa arayhh ang sakit eh.

Napakapit nalang ako ng mahipit sa bleachers.

Alam kong anytime tatanungin nya nako kung ano kuniha ko sa bag ni adonis.

"Sabi na, di ka okay ehh! Tamo pag di to agad hinilot mamamaga agad to!"

"hehehe Bait mo naman! thankyou!"

"Sus walang yun lovely!" sabi nya habang nakangiti.

"kilala mo ko?!"

"classmate ni beverly right?"

"oo paano mo nalaman?" tanong ko.

"kilalang kilala ka sa room.."

"WHAT?! ANONG PINAGSASABI MO!"

"walaa! hahahaha ang cute cute mo kase!"

Adonis's POV

Ayan nanaman yung babaeng yun. Akala nya siguro di ko alam na may gusto sya sakin. Eh kahit saan ako magpunta nandun sya, minsan may dala pang telescope.

Sa dinami-dami ng babae dito sa school paanong di ko sya makikilala sya lang dito ang may lakas ng loob para magsuot ng printed socks.

Ang creepy nga eh. Nararamdaman ko ang presence nya pag nanjan sya. Mashado din kasi syang obvious! Sumisilip sa room namin, sumusulyap pag naglalunch kami sa canteen, nanunuod pag p.e, pati yata pangungulangot ko pinapanuod nya. Tapos pag kaharap mo naman mukhang tae tarantang taranta.

Hayyss mga babae nga naman.

Lastday na ng pasok habang wala pa yung service ko. Nakipaglaro muna ko ng sipa sa mga kaybigan ko.

Naramdaman ko syang nanunuod sakin. Pero as usual patay malisya ko, dahil first of all di ko sya gusto second, hindi ko sya magugustuhan third, kahit titigan nya ko buong buhay nya hindi ko sya magugustuhan.

Nakita kong kausap nya ang isa sa mga classmate ko, si adrian sa bleachers. Ano kayang pinag uusapan nun?

Pag uwi ko sa bahay. binuksan ko ang bag ko para sana gumawa ng assignment. Pero pag bukas ko ng bag isang blueng sobre na may mga stickers pa at sulat na 'From: Adonis to:Love'.

HAHAHAHA!Srly? Nagbibigay sya ng loveletter, Nihindi nya alam kung ano at paano gamitin ang 'FROM AT TO' hays puro landi, inuuna!"

Pink ballpen.. galing sakanya to. nakikita ko yun nakasabit sa id lace nya. Hindi nako nag abala pang basahin kung anu mang laman nito. Kairita kaya itanpon ko basurahan.

Kaso na isip ko baka makita to ni mommy pag nagayos sya ng basuran ng kwarto ko. kaya kinuha ko ang loveletter na yun at inipit sa mga libro ko.

End of flashback

Nag aayos ako ng gamit ko. Nag malaglag sa mga libro itong pinakaunang love letter ng babaitang yun sakin.

Ang bilis ng panahon.Ilang taon na ang nakakalipas.Elementary pa to,magccollege na kami ngayon.

Gusto kong basahin ang laman ng sobreng to, kaya lang nagmamadali nako, kaylangan ko ng umuwi ng dorm dahil firstday of school na bukas.

Nasa terminal na ko ng bus nang makita ko ang babaeng hanggang leeg ang buhok na may bangs, naka pink na miniskirt, tshirt na white at may daladalang paper bag. namumula ang mata nyang lumapit akin at humihikbi pa.

"Oh, Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakakunot ang noo.

"Alam ko kasing aalis kana eh pinagluto kita ng paksiw na galunggong na paborito mo"

"Ang panget mo kamo umiyak!Tigil mo nga yan" sabi ko kay mae.

Nakita ko ang langit na kumukulimlim.Siguradong uulan mamaya.

"Wait nga lang, may bibilhin lang ako sa 711"

"Sama ko!" sabi nya.

"Wag na saglit lang ako" niwan ko sakanya ang ilan sa mga bitbit ko.

"sige na nga" sabi nya.

Medjo natagalan ako, andami kasing nabili sa 711.

Pagkabalik ko nandun pa din sya sa kinatatayuan nya kanina bitbit ang gamit ko at tahimik na nag aantay sakin. Napangit nalang ako.

Nang masagi ang mata sya sa kinaroroonan ko. Halos umbot sa tenga ang ngiti nya sakin.

"Bilisan mo na last trip na daw!"

"Dami kasing tao sa 711"

"Okay lang, mag iingat ka dun. Kain ka sa tamang oras. Wag mong pababayan sarili mo" Natawa ko para syang nanay kung magasalita. Habang binibigay yung gamit ko sakin


at kung.. " napa tingin ako sakanya ng mapatigil sya sa sermon nya.Umiwas sya nang tingin na maluha luha nanaman ang mata.

"Kung makahanap ka ng maganda babaeng magugustahan mo, sabhin mo agad sakin kahit, masakit tatanggapin ko.."

Ginulo ko ang buhok nya.
"Amin na yang paksiw ko!" sabi ko.

Pagkakuha ko ng paper bag na may lamang paksiw na nasa baonan ay sumakay nako ng bus.

Kasabay ng pag alis ng bus ang pagbuhos ng malakas na ulan napatingin ako sa waiting shed nandoon napa din sya nakatayo na nakatingin sa kinaroonan ko.

Tinext ko sya.
'Naiwan ko yung payong ko sa 711 kulay violet yun paki dala nalang sa bahay'.

OUR TIME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon