Loving The Bruha Girl

6.1K 106 1
                                    


Seven years ago, noong hindi pa nagiging boyfriend ni Frei si Mario Maurer...

NATIGIL si Frei sa pagsusulat ng kung ano-ano sa notebook niya nang bigla siyang batukan ni Trixia. Nasa mini-forest sila ng unibersidad nila, nagsusulat ng kani-kanilang lesson plan. Hindi nga lang siya makagawa ng lesson plan ng maayos dahil lumilipad ang utak niya.

"Grabe ka, Frei. Alam mo kung ano ang tawag sa 'yo?" wika nito nang makita kung ano ang isinusulat niya sa notebook niya.

"Gifted child?" she said.

"Obsessed," sagot nito.

"Spell obsessed," pagbibiro niya.

"'Wag mong ibahin ang usapan."

Natawa siya. "Pagbigyan mo na 'ko. Nai-inspire ako kapag ginagawa ko 'to."

Madalas niyang paulit-lit na isulat ang buong pangalan ni Benjo sa notebook niya. Benjo Ruiz Samson. Simpleng pangalan lang, pero parang espesyal kapag naririnig niya o isinulat niya sa notebook niya.

"Baka wala kang maituro sa mga estudyante mo bukas," sabi pa ni Trixia. Bukas na sila ipapadala sa mga schools para maging student teachers.

"Eh di ituturo ko sa kanila kung gaano kaguwapo si Benjo."

Trixia made some gagging sounds. Napangiti na lang siya. OA siya pagdating sa pagpapakita kung gaano niya hinahangaan si Benjo. Kapag nga mayroong major exam at hindi niya alam ang sagot sa isang tanong, pangalan na lang nito ang isasagot niya. Katwiran niya, he was the answer to all her prayers. He was an answer, period. Frei thought it was funny and romantic. Trixia thought it was downright psychotic.

"Ano bang nagustuhan mo sa lalaking 'yon?" sabi pa ni Trixia. "Alam mo bang ututin 'yon no'ng high school?" Classmate nito si Benjo noong high school.

"'Di ba ang cute?"

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Namamahid din 'yon ng kulangot noong high school. Kita mo, ang tanda-tanda na niya no'n, pero namamahid pa rin ng kulangot?"

"Adorable, right?" she said, as if dreaming.

Laglag ang panga nito. "Ipa-check up kaya kita, Frei?"

"I'm sure naman nag-mature na siya. I mean, fourth year college na tayo. Saka it's your fault naman na naging ganito ako ka-attracted kay Benjo, 'di ba?"

Nakilala niya si Benjo dahil kay Trixia. Minsan kasi itong nilapitan ni Benjo para kumustahin, dahil nga magkaibigan din ang mga ito. Kinakausap nito si Trixia at tulala lang siyang nakatingin dito. For her, every pore of his body was attractive, even the tip of his hair. At ang lalong nakapagdagdag sa appeal nito ay ang salamin nito sa mata. She was so into nerdy guys.

Hindi na niya nakalimutan ang araw na iyon. Mula noon, hindi na niya naalis sa isip niya si Benjo. That was three years ago. For three years, she suffered silently over unreciprocated love.

"Move on na, Frei," wika ni Trixia na parang naawa sa kanya. "Mahihirapan ka lang kapag pinagpatuloy mo 'yan."

"Bakit naka-move on ka na ba kay Todd?"

Natahimik na lang ito, hindi na nakasagot. Umiling ito na tila ayaw nang dugtungan ang usapan at bumalik sa paggawa ng lesson plan nito. Bumuntong-hininga siya at ginawa na rin niya ang kanya.

"Trixia!"

Natigil lang siya nang marinig niya ang tinig na 'yon. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si Benjo na palapit sa kanila. Suot nito ang university uniform nito, ang buhok ay bahagyang tinatangay ng hangin.

Loving Nobody's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon