Loving The Nutty Girl

12.4K 131 2
                                    


"HOY, bakla, tara na."

Natigil sa pagde-day dreaming si Frei nang marinig ang tinig ng kaibigan at co-teacher na si Trixia. Nakapamaywang ito sa tabi ng teacher's table niya, nakataas ang kilay.

"Hindi bagay sa 'yo, friend," sabi niya, iniligpit ang mga gamit niya. "Saan tayo pupunta?"

Trixia rolled her eyeballs. "Nakalimutan mo na 'no? Pinapupunta ng principal ang mga teacher sa library. Ngayon na ipapakilala sa 'tin ang mga bagong teacher."

"Oo nga pala," sabi niya, isinukbit ang bag sa balikat. "Tara na nga."

Sabay na silang nagtungo sa library. Habang naglalakad ay napaisip na naman si Frei. She was already twenty seven. At sa edad niyang iyon, ang nagiging boyfriend pa lang niya ay sina Mario Maurer, Lee Min Ho at si Chuck sa Gossip Girl.

In short, nag-iilusyon lang siyang may boylet siya.

And she was tired of and day dreaming and make-believe. She was tired of her two-dimensional boyfriends. She wanted a real relationship, nahihirapan lang talaga siyang maghanap. At nakakalungkot na ang mga co-teacher niya, kahit gaano pa ka-dysfunctional ang mga personality, havey pa rin ang love life.

Kahit mas energetic pa ang sitaw sa teacher sa Chemistry na si Miss Sevilla, nakahanap pa rin ng boyfriend ang babae. Fitness instructor pa.

Si Miss Dela Paz, teacher sa Home Economics na burara naman sa sariling bahay, hindi naman kagandahan, madalas tumatalsik ang laway kapag nagsasalita, may body odor at ubod pa ng sama ng ugali ay nakahanap pa rin ng boyfriend.

Si Mr. Busto, iyong baklang teacher sa Physical Education na kamukha ni Batista pero super tinis ng boses, nagkaroon naman ng jowang German. Panay pa ang padala ng pera dito ng jowa nito. Aside from the German, may ka-fling din itong Australian, British at Uzbekistani.

Samantalang siya... waley. Buti na lang single pa rin ang best friend niyang si Trixia, at least hindi siya nag-iisa. Pero hindi katulad niya, mukhang hindi naman interesadong magkaroon ng jowa ang kaibigan niya. Nang magreklamo kasi siya rito na sawa na siya sa pagiging single, puno ng damdamin na nag-speech ito na masuwerte pa rin daw sila dahil mayroon silang bahay na tinitirhan at hindi sila biktima ng landslide. Minsan, hindi niya ma-gets ang kaibigan niya.

She really needed someone to love. And mostly, she needed someone who will love her back. She was tired of being nobody's girl. She was tired of being alone.

And she was tired of being haunted by memories of the past. Memories of that devastatingly handsome, yet cruel young man who destroyed her heart back in college.

Natigil lang siya sa pag-e-emote sa isip ng tumama ang mukha niya sa pinto ng library. Bumangga na siya doon dahil wala siya sa sarili habang naglalakad. "Ouch."

"Friend, tanga lang?" sabi ni Trixia. "Sabi ko, buksan mo ang pinto. Tulaley ka na naman kasi."

"Sorry," sabi niya, binuksan ang pinto ng library.

They decided to sit beside Mr. Busto. Nag-chika agad ito na may bago raw teacher na super pogi.

"Wala pa si Principal eh. Sinosolo pa yata 'yong poging teacher." Tumawa si Mr. Busto. "Pero parating na raw. Kapag ipinakilala sa 'tin 'yon mamaya, a-aura-han ko agad."

"'Wag. Baka bigla na lang mag-resign," komento niya.

"Heh!"

Habang hinihintay ang Principal, kanya-kanya nang usapan ang mga teacher. Tahimik lang si Frei. Natigil sa pagdadaldalan ang lahat ng pumihit ang seradura ng pinto. Bumukas iyon at pumasok si Principal Razon, lalaking-lalaki ang dating pero may tsismis na closet queen daw. Nakasunod dito ang mga bagong teacher.

"Old-time teachers, please welcome our brand new batch of educators!" masiglang sabi ni Principal Razon.

Nagpalakpakan naman sila. Pumalakpak din siya, pero nahinto iyon ng makita niya ang pikana-huling pumasok. Apat ang bagong teahers, pero natutok lang ang mga mata niya sa nag-iisang lalaki sa mga iyon.

The guy was wearing something casual, dahil siguro wala pa itong uniform. Blue na polo shirt na lumapat sa magandang katawan nito at maong pants na humakab sa tila matitibay na mga hita nito. He was oozing with masculinity that was balanced by the dark-rimmed glasses he was wearing. His hair was unkempt on a very attractive fashion. The guy was smiling and she felt her heart beating fast.

Hindi siya makapaniwala. Hindi niya inaasahan na makikita pa niya ang lalaking naging dahilan para mag-crash sa lupa ang self-esteem niya. The guy that made her heart ache with so much love, but also gave her the bitter taste of unrequited affection.

Panay ang tapik ni Trixia sa kanya. "Friend... si Benjo," sabi nito, parang excited. "At grabe, nakatingin siya sa 'yo..."

She felt as if the world around her was spinning.

a

Loving Nobody's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon