Challenging the "Nakamove-on na" Girl

4.3K 78 1
                                    


Present day, pilit nang "nakikipagbalikan" si Mario Maurer kay Frei...

"MA'AM!" nakarinig si Frei ng sigaw, na nagpabalik ng atensyon niya sa kasalukuyang ginagawa. Nasa harap siya ng classroom ng I-St Paul, naghahanda sa pagtuturo, nang maisip niya si Benjo. Tingin niya ay natulala na siya pagkatapos niyon.

Buwisit na lalaking 'yon.

"Hala si Ma'am, tulaley," sabi ni Alex, and bading niyang estudyante, humagikgik pa.

"'Wag mong isipin 'yon, ma'am," sabi ni Zandra, ang muse ng klase. "Mahal ka no'n."

As if, nasabi niya sa sarili.

"Sino ba ang iniisip mo, Ma'am?" singit naman ni Camille, ang estudyante niyang nagyayabang na tatlo ang computer sa bahay. "Si Mr. Busto 'no?"

Natawa si Alex. "Sira! Hindi tomboy si Ma'am 'no! Feeling ketch, si Sir Benjo ang iniisip niyang si Ma'am. 'Yong bagong teacher sa TLE? Iyong sa computer subject? Ang pogi-pogi kaya no'n." Tila kinikilig na kumiwal-kiwal pa si Alex.

"Hoy, ano'ng pogi ka diyan?" sigaw ng escort sa klase na si Clyde. "Sa 'kin ka lang dapat mapogi-an!"

"Tama na nga 'yan, Alex at Clyde. Masyado pa kayong batang dalawa para sa mga ganyan. Saka, 'wag na rin kayong mang-intriga. Hindi 'yong Sir Benjo n'yo na 'yon ang iniisip ko," sabi niya. "Kilala ko na 'yon noon at masama ang ugali no'n. Kaya bakit ko iisipin iyon? Magsasayang lang ako ng oras."

"Si Ma'am, in denial," panunukso pa rin ni Alex. "Narinig ko kaya sina Miss Sevilla saka si Mr. Busto, pinag-uusapan na dati ka raw patay na patay kay Sir Benjo."

Kumunot ang noo niya nang marinig iyon. Sino ang nagpakalat ng balitang iyon? Si Trixia, malamang. Sasabunin niya ang babaeng iyon mamaya.

"Hey, guys, we're here to learn, not to tease our teachers about their lives," sabi ng estudyante niyang si Vanessa, na super studious at sa pagkakaalam niya ay walang kaibigan sa klase. "Ma'am, can we proceed to the lesson, please?"

Nakita niyang umikot ang mga mata ng karamihan sa mga kaklase nito.

"Thank you, Vanessa. So today, we're going to learn about idiomatic expressions..."

Natapos ang lesson niya na occupied ang utak niya. Hindi ng mga idiomatic expressions kundi paano nalaman ng mga co-teachers niya ang pagkagusto niya kay Benjo.

NANG makabalik si Frei sa faculty room ay nilapitan agad niya si Trixia. May kung anong isinusulat ito sa mesa nito. Umupo siya sa tabi nito, ipinatong ang bitbit niyang libro sa papel na pinagsusulatan nito.

Umiling ito, tumitig sa kanya. "Bakit?"

"Sinabi mo ba kay Mr. Busto na patay na patay ako kay Benjo noon?"

Parang nagkaroon ng pagdadamdam sa mga mata ni Trixia. "Naging miserable ka dahil kay Benjo, tingin mo magiging insensitive ako at ipagkakalat ko lahat ng nangyari?"

Natahimik naman siya, napaisip. Pagkatapos ay yumuko siya. "Sorry."

"Nakita ko lahat ng paghihirap mo na maka-move-on sa lahat ng ginawa ni Benjo sa 'yo. Kaya asahan mo na hindi ko ipagkakalat 'yon..."

Naalala niya ang isang eksena sa pagitan nila ni Trixia. Miyerkules noon, nasa university siya. Natanaw niya si Benjo kasama ang bagong prospect nito. Tumingin din ito sa kanya. Hindi nito ihiniwalay ang titig nito sa kanya. Siya ang nag-iwas ng tingin. Nagkulong siya sa isang cubicle sa CR ng mga babae at doon umiyak. Narinig niya ang tinig ni Trixia sa labas ng cubicle.

Loving Nobody's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon