Loving Nobody's--Oh, Loving His Girl

9.1K 151 20
                                    


"MAG-USAP tayo," sabi ni Frei kay Benjo bago mag-uwian nang araw na iyon. Lahat ng sinabi ni Trixia ay naging eye opener para sa kanya. Maybe Benjo was too good to be true for someone like her, but it was still true that he doesn't have the right to hurt her, and cheat on her. Masakit hiwalayan ang lalaking mahal niya, pero kapag ipinagpatuloy niya ang relasyong 'yon, she would no longer respect herself.

"Parang seryoso to, ah," nakangiting pagbibiro ni Benjo.

Hanggang kailan mo ko balak na gawing tanga, ha? Gusto niyang isigaw dito, nagtimpi lang siya.

"Follow me," she said.

Nagpauna na siyang maglakad. Humanap sila ng isang bakanteng classroom. Nang humarap siya kay Benjo, nakita niyang may pag-aalala na sa ekspresyon ng mukha nito.

"What's wrong, babe?" he asked.

"Our relationship is so wrong," she answered.

Kumunot ang noo nito, umawang ang bibig na tila may sasabihin pero hindi nito itinuloy.

"Alam ko na," sabi niya, pilit ginagawang mahinahon ang sarili. "Alam ko na ang tungkol sa relasyon n'yo ni Carrie."

Namutla ang hinayupak. Nakita niyang may dumaang takot sa mga mata nito. She seriously wanted to punch his face.

"P-pa'no mo nalaman?" tanong nito, halatang-halata sa tinig ang guilt.

Ang sinabi nitong iyon ay naging dahilan para tuluyang sumulak ang dugo niya. Sinapak niya ito. Tumalsik ang salamin nito. Tulad noon, hindi ito nagreklamo, hindi ito nagsalita. Sinapo lang nito ang nasaktang panga nito.

"Nakita ko kayong dalawa. Ang kapal kapal ng mukha mo," unti-unting sabi niya, pinaparamdam dito ang nararamdaman niyang galit. "Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to? Natutuwa ka ba talaga na nagmumukha akong tanga dahil sa 'yo? Is that you're thing, huh? Do you get a kick from making me look like a stupid, desperate, obsessed freak?"

Lalo itong namutla. "I'm sorry—"

Hinampas niya ang dibdib nito. "Pero bakit ayaw mo pang lubus-lubusin, ha? Kunan mo ako ng video ngayon, tulad ng ginawa mo noon. Kunan mo 'ko ngayon, habang umiiyak ako. Tapos, ipagkalat mo sa mga co-teachers natin. 'Yon naman ang gusto mo, 'di ba? Pagmukhain akong tanga."

She couldn't describe the expression on his face. He seemed to be guilty, confused and in deep agony at the same time. Akmang hahawakan nito ang magkabilang balikat niya, pero umiwas siya rito.

"Damn you, Benjo. I have my limitations. Ayoko na. Sawa na 'kong magpakaboba sa 'yo. Humanap ka na lang ng bagong babaeng pagtatawanan mo."

She saw tears forming on his eyes, but she thought he was just acting. Wala itong sinabi, pinakatitigan lang siya nito, habang ang mga luha nito ay dumadaloy sa pisngi nito. His eyes looked so much beautiful without the glasses on. And those eyes seemed to be filled with grief.

Bago pa siya tuluyang mapalambot ng mga matang iyon, iniwanan na niya ito. Hindi ito sumunod sa kanya, naiwan lang ito sa bakanteng classroom. Pinunasan niya ang mga luha niya, inayos ang sarili bago bumalik sa faculty room. Dumiretso agad siya sa table ni Trixia.

"Friend," wika niya, pinipigil na lang umiyak muli. "Nakipag-break na 'ko sa kanya..." Napahikbi siya.

Ngumiti si Trixia, hinawakan ang kamay niya. "Tara, kumain tayo ng ice cream."

Sumunod naman siya rito. Habang kumakain ng ice cream ay pilit nagpapatawa ang kaibigan niya, pero hindi gumaan ang loob niya. Bumabalik sa isip niya ang mga malulungkot na mga mata ni Benjo. Bumalik sa isip niya ang madilim na bakanteng classroom.

Loving Nobody's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon