Chapter 4: First Kiss

6 0 0
                                    

Today is December 10, 2016

Papunta ako ngayon nang school. Naglakad na lang ako dahil sa malapit lang naman. Lagi kasi ako pinapahatid sa driver ni dad. So I decided today na maglakad na lang. Tsaka exercise na rin to.

Maaga pa naman kasi inagahan ko talaga ngayon. Wala lang, trip ko lang naman to. Pag pumapasok kasi ako malapit ng mag ring yung bell. Ayoko ko kasi nang maaga talaga. Wala naman kasi akong gagawin eh.

Mga barkada ko naman, laging late kung pumapasok. Tsaka ayokong mag stay nang matagal pag wala pa barkada ko dahil may kinaiinisan ako.

Si Cj naman kasi kung pumasok sakto lang kaya nga minsan sabay kami pumasok sa room eh. Always yan pero this time, suguro hindi. Maaga pa kasi.

Ano ba kasi ang trip ko at pumasok nang umaga? Bahala na. Nakaalis na ako nang bahay eh kaya wala nang urungan pa.

Papasok na ako ng gate nung bigla nagulat ang guard. Haysss, ito na nga sinasabi ko eh. Syempre, first time ko to. First time ko tong pumasok na hindi na naka sasakyan.

"Oh? Himala yata at maaga ka tapos hindi ka pa naka sasakyan." pabirong sabi niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya, "Sus manong guard, minsan lang to kaya pagbigyan mo ako haha."

"oh, siya manong guard, pasok na po ako." tumango na lang siya at pumasok na ako nang tuluyan.

Mabilis lang naman lumipas ang oras. Lunch time na. Sabay-sabay kaming pumuntang canteen dito sa school. Di naman kasi kami pwdeng magsama ni Cj kasi alam niyo guro na hindi kami legal sa barkada niya. Oo, legal nga kami sa parents namin pero sa barkada niya hindi. Sakit no? Pero okay lang. Masaya naman kaming nagmamahalan eh. Aheeeeeeee, nagmamahalan talaga no? Hahhahaha

Nung tumingin ako sa gawi niya, nagdadalawang isip pa ako kung ngingitian ko ba siya o ano pero di ko na lang pinansin. Kasi pag ngumiti ako sa kanya, alam kong aasarin ako ng barkada niya at siya. Duh! Nakakainis kaya. Tapos agaw attention pa sa mga kaklase namin.

"Tapos na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi pa ako." napairap na lang ako. Lagi naman siyang nahuhuli eh. Tagal kasi kumain.

"Kupad mo talaga kahit kelan." sabay irap ko kay Jasmine (Has-min). Hayssss, always naman yan eh.

Tumayo na si Marrianne and pinigilan ko siya.

"San ka pupunta?" tanong ko na lang sa kanya.

"Sa bebelabs mo." then she smirked. Kumunot pa noo ko kasi na slow ko pero sa huli nagets ko na rin ang sinasabi niya.

Si bebelabs ay si Aly. Lagi ko siyang inaasar. Sarap kasi asarin. Laging naiinis tapos matatawa ka sa mga reaction niya hahahaha. As in.

"What ever, Marrianna." sabay irap sa kanya.

Dumeretso nga siya doon at nakipag-usap ng kung ano. Pssh, chismosa talaga kahit kelan eh.

Pumasok na kami sa room. Wala pa sila Cj at ang barkada. Dumungaw ako sa bintana namin. Nag stay lang muna ako doon. Wala pa naman teacher namin eh.

Dumaan si John Paul, inasar ko siya. Wala lang tapos biglang sumulpot si Cj. Iniwasan ko siya tapos inasar ko ulit si John Paul.

Aalis na sana ako nang harangin ako ni Cj. Nacorner niya ako.

"Cj, anong ginagawa mo." tanong ko sa kanya pero nakangisi lang siya.

Aalis na sana ako nang binalik niya uli ako sa pader. Nainis ako bigla.

"Ano ba?!" sigaw ko sa kanya. Pero di talaga siya natinag.

Nilapit nita yung mukha niya sa mukha ko. Kinakabahan ako pero di ako nagpatinag.

"Ano? Hahalikan mo ko? Alam ko namang di mo yan magagawa."

Ang mga ganyang galaw. Alam kong di naman niya yan magagawa. Yeah, we're in relationship but we've never kissed. Never as in never. Duh! Gusto ko kasi yung first kiss ko sa kasal para mas romantic.

Tumigil lang ako kakasalita nang malapit na siya sa akin. Kinakabahan na talaga ako ngayon. Hahalikan niya ba ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung bang parang may hinahabol.

Waaaaaaahhhh!! Ayoko nang ganito. Lupaaaaa kunin mo na ako pag nahalikan ako ni Cj. Tsaka isusumbong ko talaga siya sa magulang koooo! Sigaw ko sa isip ko.

"Pag hinalikan mo ko, isusumbong kita kay Mommy. Ipapabugbog kita sa mga kilala naming assassins. I swea-" bago ko matapos yung sinabi ko.

Hinalikan na niya akooooo.  Tangina! Totoo ba to. Hanggang ngayon yung labi niya na sa labi ko.

Tinulak ko siya. Buong lakas ko tinulak ko siya. Sa sobrang inis ko at sobrang pagkagulay ko, nasampal ko siya nang malakas. Yung abot hanggang buto. Ganun kalakas.

"I HATE YOU!!" buong lakas ko sinigaw yun at tumakbo palabas. Pumunta ako sa secret garden namin. Doon. Umiyak ako. Umiyak ng umiyak.

Sabing ayoko eh. Bakit niya pinipilit? Naiinis akoooooo!!!

"AAAAAAAAHHHH!!! AYOKO NA! SABING DI PWDE EH PERO GINAWA! ANG KULIT MO RIN CJ EH! ANG KULIT MOOOO!"

Inis na inis ako sa kanya. Sobra.

May bumukas ng pinto. Di ko yun pinansin. Iyak lang ako iyak.

"Sheene, sorry na." alam ko. Pero sana inisip mo muna.

"Sheene, di ko naman sinasadya eh."

Di ko siya pinansin. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya kasi di siya sumunod sa akin.

Ang sakit kasi na hindi sinunod yung sinabi ko sa kanya.

May inabot siyang bulaklak na alam kong pinitas niya dito sa garden and it's my favorite flower, tulips.

Tiningnan ko lang at di ko kinuha. Ayokong kunin kasi ayoko.

"Sorry na please, baby?" sinusuyo niya pa rin ako.

"Alam ba ng barkada mo to? Bumalik ka na dun." pagtataboy ko sa kanya. Tumahan na rin ako sa pag-iiyak.

"Hindi pero dito ako para ayusin to. Ayokong magalit ka. Kaya nagsosorry na ako."

"Please? Umalis ka na kang muna? Pwde? Kasi hanggang ngayon nagproprocess pa rin eh."

Huminga siya ng malalim.

"Basta tanggapin mo na lang to." kinuha ko na at umalis na siya.

Gusto kong mapag-isa ngayon. Sawang-sawa na ako eh. Sa mga pangyayari sa buhay ko.

Bigalang nag vibrate phone ko. Kinuha ko sa bulsa ko at tiningnan ko kung sino. Si Aika. Ano kaya kailangan niya?

Sinagot ko na lang baka kasi importante. Minsan lang naman to tunawag sa akin eh.

"Bakit?" tanong ko agad.

"Promise mo.muna na hindi ka magagalit." -Aika

"Oo. Ano na nga?" inis kong sabi

"Ano kasi...." -Aika

"Punyeta! Pabitin pa eh. Pag ako nainis, masasapak kita." pagbabanta ko siya.

Huminga muna siya ng malalim sa kabilang linya.

"The kiss is a dare." after that. Pumatak na naman ang luha ko.

"Narinig ko lang. Are you crying? Please stop?" -Aika

Di ko siya sinagot at pinatay ko na. Umiyak na naman ako. Ano ba? Ang malas naman ng araw ko ngayon.

Pumunta akong classroom. Namamaga pa rin mata ko kakaiyak. Nagulat lahat ng mga kaklase ko. Hinanap ko si Cj. Then i saw him flirting with other girl.

Nilapitan ko siya. I slap him so hard.
nagulat siya sa ginawa ko.

"Isusumbong kita."

At umalis na ako.

-

HAPPY VALENTINE'S DAY! SORRY NGAYON LANG NAKAPAG-UD. I HOPE YOU LIKE IT.

JUST LEAVE COMMENT AND VOTE. THANK YOU FOR READING READERS.

Past-Present-Future (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon