FIX's POV
"You are Fix, right?"
Seriously? Ba't ako nasama sa nakalimutan mo Alexa? Sobrang nasaktan ako kasi hindi na siya yung taong kilalang-kilala ako. Yes she knows me, but as Finn. As her childhood bestfriend. Ang sakit pala. Ang sakit pala na kalimutan. Pinilit kong kalimutan si Alexa. Pinilit kong tiisin siya. Ang sama ko. Ngayon alam ko na kung ano ang nararamdaman ni Alexa nung hindi ako nagparamdam sa kanya.
"Of course, Alexa. Babalik ako."
I meant it. Kasi mahal na mahal ko si Alexa kahit may bagay kaming madalas na pinag-aawayan. Hindi ko ibig na hiwalayan siya. Sobra akong nadala sa emosiyon. But I had too much pride in me that I never apologized and asked forgiveness from her. Ang gago gago ko. Mas inuna ko pa ang pride ko kaysa sa relasyon naming dalawa.
"Fix..."
"Jiya bakit ganon?"
"Fix, she has a selective amnesia. And it's so unfortunate of you because she forgot you of all the things she can forget."
"Ba't ako pa?"
"The person who you think of before the accident or operation will be the one you will forget."
"Ang sakit. Jiya, what will I do?"
"Masakit Fix? Sa tingin mo hindi nasasaktan si Alexa ngayon? Sa tingin mo masaya siya sa nangyayari ngayon sa kanya? Sa inyo? Kung aware lang si Alexa that she forgot you, mas masasaktan pa siguro siya sa kung paano ka nasasaktan ngayon Fix. You deserve it well Fix. Kung gusto mong bumalik ang dating kayo, help her remind you Fix. Wag kang tumunganga lang diyan na parang naghihintay ka lang kung kailan ka niya maaalala. Walang himalang magaganap."Ang sakit pala talaga. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto kong lumuhod sa harapan ni Alexa at humingi ng tawad but I know it would be damn useless kasi di nya naman naaalala yung lahat ng nangyari.
"Uhm, Jiya."
"Yes Fix?"
"Please help me. I'll do everything for her to remember everything."
Dahan-dahang tumango si Jiya.
"And then what Fix? Leave her again?"
"No no no, Jiya. I'll court her."Nabigla siya sa sinabi ko. Oo. Kabigla-bigla. Because nung naging kami ni Alexa, di kami dumaan sa ligawan. Kami kasi yung tipong mahal namin ang isa't-isa kaya bakit pa namin patatagalin?
"Seriously? For the first time, narining ko ring manliligaw ang isang Finn Inver Xi."
"Come on Jiya. Just help me, please."
Humalakhak si Jiya. She didn't expect me to do courtship. I'm not a playboy. It's just not so me. But now, babawi ako kay Alexa sa paraang alam ko. No more Fix with too much pride, Fix who's not thoughtful, Fix na madaya.
"Huy Fix." Jiya snapped in my face.
"Yeah?" Natulala pala ako.
"Come on. Kanina pa ako nagsasalita dito at tinatanong kung anong plano mo and there you are nakatulala sa kawalan. Ano ba ang iniisip mo?" sabay irap niya."I'm sorry. I just realized what a jerk I am."
"Oops."
"Tapos ka na ba? Balik na tayo kay Alexa."
Pumunta kasi kami ng bahay nila to get some Photo Albums namin. I was so lucky to have her. And I am so damn heartless dahil wala akong ibang inisip kundi ang sarili ko. Sana mag work tong plano naming tulungan si Alexa na maalala ang lahat. Sana balang araw.
We went back to the hospital at naabutan si Alexa na kumakain.
"Alexa?"
"Uy Fix. Tara kain tayo!" Aniya ng nakangisi.Her eyes were so sweet na parang di ko nasaktan. Kumirot ang puso ko. Kung hindi ko lang ipinakita sa kanya kung gaano ako ka-walang hiya at hiniwalayan siya dahil sa iyang walang kwentang rason, she wouldn't be too hurt and stressed. Hindi sana natrigger ang stress cells niya. At di sana nya iniinda ang sakit na dulot ng operasyon ngayon. AH! What a dickhead Finn. Gago.
"I'm okay Alexa." I smiled at her and saw that sad smile from her.
Tumango siya. "Nasaan na nga pala si Jiya? Sabi nun sandali lang siya?"
"Uhm, pabalik na rin yun. Pina-una niya lang kasi ako at baka walang nagbabantay sayo dito."
She nodded and smiled.
"Uhm Alexa..."
Binaling niya ang atensyon nya sakin habang inaayos ang sariling humiga."Can I hug you?"
Nagulat siya sa sinabi ko. Nagkibit balikat siya and she opened her arms. Ugh, the same Alexa that I loved.
I hugged her but not so tight. Kasi baka di siya makahinga ng maayos. Bibitaw na sana siya but I insisted.
"2 minutes Alexa, please." Napapikit ako sa sakit naramdaman ko. Ewan ko pero nung niyakap ko sya, parang nalipat sakin yung buong sakit na nakatago sa puso niya. Ang hapdi. Hinaplos niya ang likod ko. At nagbitaw na kami sa pagkakayakap.
I saw a tear running down her cheek. Sht!
"Sht. Alexa, why? what happened?"
"Uhm, I-I do not know Fix. P-pero a pain in my heart just came. B-bakit ganon? T-tell me."
Ang gago mo pala Finn eh. Tang ina ka. Bwesit!
"Oh, I am really sorry Alexa. Just hush now okay?" I wiped her tears and she nodded at me.
"I suggest na magpahinga ka muna. Baka madagdagan ang kung anong stress na bumabagabag sayo eh."
Tumango siya. "Oh sge. Pakisabi kay Jiya ah, huwag muna siyang umalis pag di pa ako nagising. Wala pa kasi si Mommy eh.
"Yeah, no problem Alexa. Hindi din naman ako aalis dito. I'll take care of you."
And she put herself to sleep. I brushed her hair swiftly with my fingers. I kissed her hands. And I slept in her bedside, with our hands together. Yes, together.
-----------------------------
YOU ARE READING
The Lost Soul (ON GOING)
Teen FictionShe hated him. So much. She, who has always been there. She, who was always right. Lost her significant other. Because she thought she was doing it right the entire time. But he made her realize that sometimes, you don't end up with the man who prom...