CHAPTER SEVEN

11.3K 217 2
                                    


Sa isang mamahaling restaurant siya dinala ni Alec.

Obvious na kilalang-kilala ito ng mga waiter. Very polite ang pagbating ibinungad sa kanila ng mga ito.

May nakareserba nang mesa sa pinakasulok na bahagi ng kainan. Malapit sila sa puwesto ng piano. Isang may-edad na lalaki ang kasalukuyang tumutugtog doon.

Ipinaghila siya ni Alec ng upuan bago ito naupo sa tapat niya. Agad itong nagbigay ng order na pagkain sa naghihintay na waiter.

"Do you like the place?"

Tumango si Eliza. Totoo naman na nagustuhan niya ang lugar na alam niyang mapepera at mayayamang tao lang ang dumarayo para doon kumain. First time niyang makapasok sa ganoong restaurant. Ang madalas lang nilang puntahan ni Doy ay Jollibee at McDo. Kapag nagsawa na sila at para naman maiba, sa Max's siya yayayain ni Doy.

Unang inihain sa kanila ang bote ng red wine na nakalubog sa isang ice bucket. Nagsalin niyon sa dalawang kopita si Alec.

Naa-amaze siyang napatingin sa pulang alak. Bago pa man malasing ang lalaki, kailangang masabi na niya rito ang kanyang pasya.

"I want to know if," basag niya sa katahimikan, "if your offer still stands."

"Of course, nothing has changed," maagap na sagot ni Alec.

"Sinabi ng abogado mo na hahanapan n'yo ako ng possible site," patuloy niya.

Titig na titig ito sa kanya, parang pilit na may inaalala. "If I'm not mistaken, walang sinasabing ganyan ang abogado ko."

"Pero isa 'yon sa mga pinag-usapan namin."

"We can only offer you a fair enough settlement para sa natitirang ilang taon ng kontrata mo. Iyong sinasabi mong maghahanap kami ng mapaglilipatan ng bookshop mo, hindi na sa amin ang problemang 'yon."

"Kung gano'n, 'yon ang kondisyon ko, Mr. Buenaventura. Wala akong hihinging malaking halaga, ang gusto ko lang ay maisaayos ang puwesto ng bookshop ko."

Sa tingin niya'y dumilim ang anyo ni Alec sa sinabi niya.

"Bakit kailangang ipasa mo sa akin ang task na 'yan?"

Huminga muna nang malalim si Eliza. "Kapag ako lang ang kikilos at lalapit sa mga commercial establishment, sa tingin mo ba, papansinin nila ako?"

"Why not? You have already established your name in the business."

Nang-uuyam ang ngiti niya. "Sisiw pa lang ako kumpara sa inyo. Ngayon pa lang, natitiyak ko nang mahihirapan akong makakuha ng maganda at presentable na lugar. Sa dami ng hihinging requirements, plus the fact na gugugol ng panahon sa pag-aayos, tiyak na apektado ang operasyon ng tindahan ko."

"I told you why we need the site. And your stubborn attitude is causing us more than inconvenience. We didn't spend peanuts in buying that damn building. If we are prevented to build a new building until your lease agreement expires, that will mean a substantial loss for us."

"You know from the beginning that there are tenants—"

"Look, you must realize that we can't just sit on an investment like that because one young woman won't see reason. If you don't move out, of course, we'll take this case to court. At least, may chance pa akong manalo dahil ang ibinibigay namin sa 'yong terms ay fair enough."

"I already asked a lawyer. He told me that I have a legal right to see out my lease."

"In general terms, yes," sabi nito sa matigas na tono. "But if it comes to a legal battle, we can retain the best legal advice there is. Tiyak na may mahahalukay silang precedents and bylaws na maging ikaw at ako ay hindi pa naririnig."

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #6 ALEC (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon