Chapter 2: Start of Something New

34 5 24
                                    

Recap:

Nakita ko ang lahat-lahat ng nangyari at napatunayan kong delikado talaga siyang nilalang. Ginintuang pakpak na nagpapatunay na isa siyang maharlika sa kanilang kaharian.

Natunton nila siya kaya hindi malabong matunton rin nila ako kaya dapat rin akong mag-ingat dahil baka sa isang iglap, mawawala lahat ng pinaghirapan ko.

Chapter 2:  Start of Something New
===============
Akuma's POV

Umuwi na ako sa bahay at pinag-iisipan pa kung ano ang gagawin ko. May malaking posibilidad na matunton nila ako kaya kailangan kong mag-ensayo para maprotektahan ang sarili ko.

Training Room
10:00 AM

Pisikalan na muna ang pagtutuunan ko ng pansin at stamina and agility na rin para kapag gagamit ako ng kapangyarihan ay hindi ako madaling mapagod.

Merong field dito sa training room at tatakbo ako paikot dito ng 100 rounds, mag pupush-up ng 500 rounds at curl ups ng 1000 rounds.

Schedule:
10:00-10:30= Speed Training
10:30-11:15= Strength Training
11:15-12:00= Abdominal Strength Training

===============

Natapos ko na ang training at kumakain ako ngayong ng tanghalian para kahit papano ay hindi ako magutom sa mangyayaring training ko mamaya.

Training na magpapalakas sa aking pandama, talas ng mga mata at taglay na pandinig.

=============

Pagkatapos kong mag-training ay naramdaman kong mas lumakas ako. Hindi man ganun kalakas pero alam kong may nagbago sa akin. Kailangan ko 'tong pag-igihan para mas lumakas pa ako't malampasan sina ama't ina.

At dahil sa pagod na pagod na ako, ay hindi ko namalayang ako'y nakatulog.

Angelo's POV

Pagkatapos kong makipaglaban sa mga demonyo kanina ay mas pinagtuunan ko ng pansin ang aking tungkulin bilang Prinsipe ng mga Anghel.

Kailangan kong bumalik sa aking mundo at mag-ensayo nang sa ganon ay maprotektahan ko ang aking sarili at ang aming kaharian laban sa mga demonyong hangal ang kaluluwa.

Aalis ako ng eskwelahan at babalik pagkatapos ng ilang taon.

Somone's POV

Napanood ko ang lahat ng nangyari sa kanila at napag-isipan kong ito na ang tamang panahon para simulan ang pagbabalik niya.

===============

Nagpatawag ako ng isang pagpupulong sa lahat ng konseho para iparating ang aking mensahe sa kanila.

Bumukas ang dalawang malalaking pinto at sabay na pumasok ang tatlong may mataas na tungkulin sa konseho. Si Dos, o mas kilala sa pangalang Apoy dahil sa kanyang kapangyarihan na sing bagsik ng apoy.

The Nerd's Secret (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon