Recap:
Buong tapang nang haharapin ng dalawa ang isa't-isa. Mapamaharlika man o hindi, malakas silang dalawa. Sino sa dalawa ang magwawagi? Ang liwanag o ang kadiliman? Masasagip pa ba ang prinsesa ng mga demonyo? Malalaman na kaya ni Angelo ang totoo? Abangan sa susunod na kabanata ng.........The Nerd's Secret
Chapter 5: Climax and the Enraged King
===============
Third Person's POVTumalon sila papunta sa isa't-isa at nagbanggaan ang kanilang mga sandata. Napangisi nalang sila sa pagkasabik na kanilang nadarama.
Lumayo muna sila sa isa't-isa at naghanda. Hindi pa man nakakapaghanda si Akio ay agad-agad siyang sinunggaban ng atake ni Angelo. Napaatras siya sa lakas ng pwersang pinakawalan ng prinsipe.
Dahil sa pagkasabik na nararamdaman ng prinsipe ay hindi niya namalayang nasa likod na pala niya ang kanyang kalaban habang ang sarili nitong sandata nito'y nakatutok sa kanyang leeg.
"Sumuko ka na, prinsipe" Subalit hindi man lang ito natinag sa kanyang kinatatayuan at nagawa pang tumawa.
"Sa tingin mo ba'y susunod ako sa gusto mo? Isa akong maharlika at wala kang karapatang utusan ang mga kagaya kong nakatataas sa'yo!"
Sigaw ni Angelo at hinawakan ang kamay ni Akiong nakahawak sa kanyang sandata.. Pinilipit niya ang nahawakang kamay na naging sanhi upang ito'y mapasigaw at mabitawan ang sandata.
Ginamit niya ang pagkatataong iyon upang makawala sa demonyo at dali-daling sinipa ang tiyan nito dahilan upang ito'y mapaatras.
Nakita niya ang kanyang sandata at balak na niya sana itong kunin ngunit naagaw ito ni Akio gamit ang kanyang latigo.
"Hinding-hindi mo ito makukuha lalo na't malaking pakinabang ito para sayo kung iyong gagamitin"
Sumugod nang walang pasabi si Angelo kay Akio at sinubukang hablutin ang kanyang sandata ngunit iniwas lamang ni Akio ang kanyang kamay.
Nainis naman si Angelo kaya walang pasabing sinipa niya ang kamay ni Akio dahilan para mahulog ang kanyang sandata.
Inapakan niya ang hawakan ng espada kaya lumipad ito paitaas. Agad naman siyang tumalon para makuha ang kanyang sandat.
Nagtagumpay siya sa kanyang kaya habang nasa ere siya'y pinalabas niya ang kanyang pakpak na may halo-halong kulay na pinaresan ng kanyang kalasag na gawa sa mga diyamante at ginto.
May namuong bilog sa kanyang itaas dahil sa kanyang pagpapalakas. Itinaas niya ang kanyang isang kamay at sinambit ang mga katagang nakapagpatakot kay Akio.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret (On-Hold)
FantasyMisteryoso, tahimik at snabero. Iilan lang 'yan sa maaari mong ilarawan sa isang nerd. Nerd na walang ginawa sa buhay kundi ay magbasa ng libro, gumawa ng iba't-ibang kwento at mag-aral ng mabuti para sa kanyang kinabukasan. Ngunit 'yan nga lang ba...