Recap:
Inangat niya ang kanyang ulo at nagsimulang lumipad paitaas at habang lumilipad siya'y may nakakasilaw na liwanag ang lumalabas galing sakanya.
Pagkarating sa itaas ay hinayaan niya ang sariling mahulog patungo sa lupa at kinontrol niya ang kanyang mga pakpak para hindi siya tuluyang bumagsak sa lupa.
Simula no'n, nagbago na ang tadhana ng dalawa.
Chapter 3: The Battle Part 1
===============
Akumas's POV"Magbigay pugay sa Mahal na Prinsesa Akuma!!!"
"Whooo!!"
"Maligayang pagbabalik prinsesa!!!"
Samu't-saring hiyawan ang aking narinig pagtapak ko ng aking mga paa sa loob ng palasyo.
"Nasaan ang aking ama?" Malamig kong tanong sa isang kawal na ngayo'y nakayuko sa aking harapan.
"Nandoon po siya sa kanyang trono Mahal na Prinsesa" Magalang niyang saad sa akin at pagkatapos ay gumilid para bigyan ako ng daan.
Tumango lamang ako sa kanya tanda ng pasasalamat. Naglakad na ako papunta sa aking demonyong ama upang ipaalam na ako'y nagbalik na kahit na alam ko namang alam niya.
Nang makarating na ako sa harap ng pintuan ay hinarangan kaagad ako ng mga kawal. Marahil ay hindi pinayagan ng aking ama ang kahit na sinong pumasok sa silid.
"Tabi" Pagkarinig na pagkarinig nila sa aking boses ay agad silang nagsihawian at nagbigay galang.
"Patawad, Mahal na Prinsesa" Tumango lamang ako sa kanila at dire-diretsong pumasok sa loob ng silid.
"Maligayang pagbabalik aking anak" Nakangiting pangdemonyo bati ng aking ama.
"Diretsuhin mo na ako ama. Alam kong may plano ka" At sa aking sinabi ay sumeryoso ang kanyang mukha.
"Ang angking talino mo ang magpapanalo sa atin sa darating na digmaan. Kaya ika'y inatasan ng ating bathaluman, na maging pinuno sa darating na labanan"
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret (On-Hold)
FantasyMisteryoso, tahimik at snabero. Iilan lang 'yan sa maaari mong ilarawan sa isang nerd. Nerd na walang ginawa sa buhay kundi ay magbasa ng libro, gumawa ng iba't-ibang kwento at mag-aral ng mabuti para sa kanyang kinabukasan. Ngunit 'yan nga lang ba...