Chapter 1: 10 Years Later
===============
Akuma's Pov:Maaga akong gumising mula sa aking pagkakatulog dahil ang araw na ito ay ang unang araw ng klase.
Ginawa ko na ang aking mga dapat gawin at nagbihis ng uniporme. Pumunta ako sa hapagkainan at nagsimulang kumain. Pagkatapos kong kumain ay nanatili lang akong nakaupo sa silya at tinitigan ang iba pang upuan sa gilid ng mesa. Nalungkot ako ng maalala ang aking mga magulang.
Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung tama ba ang ginawa kong desisyon. Pero kailangan ko tong panindigan, dahil iyan na ang aking pasya. *sigh*
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at lumabas ng bahay para pumara ng taxi.
===============
Nakarating na ako sa eskwelahan at nagsimula na namang magbulung-bulungan ang mga estudyante.
"She's so ewwwww, I thought ba that this is para sa mga elites?"
"Oo nga girl no, hindi siya nababagay sa school na ito"
Kung sa totoo ko namang tahanan ako titira, bagay man ako pero di ko rin gusto ang mga pinapagawa nila.
Naglalakad lang ako sa hallway nang may nabangga akong lalaki. Maputing balat, blonde na buhok at asul na mga mata. Ewan ko ba kung bakit pero may nararamdaman akong kakaiba sa kanya.
"S-soryy p-po"
"Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo dahil baka madapa ka...tsk"
"O-opo"
Phew...muntik na ako dun ahhh. Akalo ko nga bubulyawan niya ako ehhh pero salamat naman at hindi. Pero may nararamdaman talaga akong kakaiba sakanya na hindi ko naman matukoy-tukoy. At alam kong delikado siya.
Postura palang niya, alam mo nang hindi siya basta-basta. Kaya dapat akong mag-ingat kapag nandiyan siya sa paligid.
===============
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang aming klase kaya dali-dali akong tumayo at naglakad papuntang gate para pumara ng taxi.
Nang makauwi ako ng bahay ay pumunta ako sa kwarto para magbihis at pinkit ang aking mga mata. Inisip ko ang imahe ng lalaking nabangga ko kanina pero may iba akong nakita.
Ang mga itinakda.
Magtatagpo ang landas,
Ang isa'y hindi patas,
Kumukuha ng bunga o prutas,
Sa kalabang kaharian.Mahuhulog ang loob sa isa't-isa.
Bawal na pag-iibigan,
Magiging balakid sa mga plano ng bathala,
May magiging bunga,
Na magiging pinakamakapangyarihan.
BINABASA MO ANG
The Nerd's Secret (On-Hold)
FantasíaMisteryoso, tahimik at snabero. Iilan lang 'yan sa maaari mong ilarawan sa isang nerd. Nerd na walang ginawa sa buhay kundi ay magbasa ng libro, gumawa ng iba't-ibang kwento at mag-aral ng mabuti para sa kanyang kinabukasan. Ngunit 'yan nga lang ba...