I woke up with an amnesia. Wala akong maalala maski sarili ko ay hindi ko maalala. Ang alam ko lang pagkagising ko,bumungad sa akin ang magandang babaeng nasa 30 pataas ang edad. She's claiming that she's my mother kaya bigla na lang akong napaluha.
"I'll go get the car,so just stay here. Okay,darling?"
Tumango na lamang ako kaya iniwan na muna ako ni mama. Bigla akong napaupo sa mga damo. Napabuntong hininga ako. Kailan kaya babalik mga alaala ko?
Habang malalim ang aking iniisip,nagulat ako nang may biglang dumagan sa akin. Nanlalaki yung mata ko habang kaharap itong lalaking nakangiti sa akin,sya yung dumagan sa akin. Anong problema nya?
"Ashley,namiss kita!" Nabalik ako sa reyalidad.
"Si-sino ka po?"
"Huh?" Kumunot ang kanyang noo.
"Hindi po kita kilala." Pag-amin ko.
"Anong hindi mo ako kilala? Wag ka ngang magbiro! Hahaha."
Ikinulong nya ako sa kanyang bisig kaya nagulat ako at biglang lumayo sa kanya.
"Sorry pero hindi po talaga kita kilala."
Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Bakit kaya gulat sya? Ako nga dapat ang mas magulat sa amin. Bigla-bigla syang nangyayakap. I don't even know this guy!
"A-Ashley?"
Nang makita ko si mama agad akong yumakap at itinuro yung lalaki.
"Ma,sino po sya?" Tanong ko.
Tumingin si mama sa lalaki at nginitian ito. Wait,magkakilala sila?
"Good afternoon po,Tita Alodia." Bati ng lalaki kay mama.
"Magandang hapon din sayo,Yexel." Bati ni mama pabalik.
"Teka,magkakilala po kayo?"
Sobra akong gulat ngayon. Ano bang nangyayari? Nginitian ako ni mama.
"Ano ka ba! Childhood bestfriend mo kaya itong si Yexel."
Hanudaw?
"Pasensya ka na,Yexel. May amnesia kasi si Ashley kaya hindi ka nya makilala."
Teka,may pinagsamahan talaga kami? He doesn't look familiar.
"Ganun po ba? 'Di bale,ang importante ligtas sya at buhay sya."
Lumapit sa akin si Yexel at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Malungkot syang ngumiti.
"Sana bumalik na mga alaala mo."
Hindi ko sya pinansin kaya umalis na sya. Napahinga ako nang maluwag. Hinawakan ako sa balikat ni mama.
"Ashley,don't be too harsh on Yexel. Matalik na kaibigan mo pa rin sya."
"Sorry po,ma." Paumanhin ko.
"Alam kong naninibago ka so just take a rest at home. Bukas ka na lang pumasok."
Nang makauwi na kami,hindi ako dumiretso sa kwarto ko. Why? Hindi ko maalala kung nasaan.
"Your room's upstairs. The one on the left side." Biglang sinabi ni mama.
Dumiretso na ako sa aking kwarto. This room... it's strange. Bakit kasi hindi ko maalala? This room is not even familiar! Binuksan ko yung cabinet ko. Doon,nakita ko ang isang uniform.
Estrella National High School. Class 9-2. Ashley Mae C. Lemercier.
●●●End of Chapter 1●●●
Ang pagbanggit po sa Lemercier ay "Lemercy" silent po yung r.
I hope nagustuhan nyo po ang.chapter 1. Inspired po ito sa napanood kong Kdrama pero magkaiba naman po ito ng concept. Sana ipagpatuloy nyo pa rin ang inyong pagbabasa.
P.S. The cover was made by Lyra_Bernandez. Thank you!
To God Be The Glory♡
YOU ARE READING
Surreal Love
Teen FictionLoving him was like surreal. I thought he was mine but I was wrong. He belongs to someone else.