"Omygosh. Isn't that the nerdy guy? I didn't know he's hot!" Nika said.
"Babe,please. Nandito ako."
Natawa ako kay Nika and Felix. Paano ba naman kasi itong si Nika pinagpapantasyahan si Yexel. Ito naman si Felix umarangkada ang pagiging seloso. Napailing na lamang ako. Buhay relasyon nga naman.
"Is that Yexel?" Jamie asked so I just nodded.
"Woa,is that really Yexel?" Kathlyn asked.
"Darn,right. It's him. He's looking hot today." Lianne said.
Nanlaki ang mata ko. Well,hindi ko kasi akalaing maririnig ko sa bibig ni Lianne yung mga ganoong salita. She looks serious and... innocent. That's why.
Napangiti ako. Tama silang lahat. Ang gwapo nga ni Yexel. Ang dating hati nyang buhok ay magulo na,which makes him hot. He's not wearing glasses anymore,which makes him hot. His muscles are toned,which makes him hot again. Fitted kasi yung uniform nya pero bagay nya. Every part of him is hot.
Omygosh anong nangyayari sa akin? Ashley,stop checking him out in your mind. It's a sin. Papalapit na sya sa amin...
"Hi Ash!"
"Omy. Yexel,kami ba hindi mo babatiin?" Nakangusong sabi ni Jamie.
"Hi girls. Hahaha." He chuckled sexily.
"Ang gwapo mo."
Napatawa na lang si Yexel nang bigla iyong sabihin sa kanya ni Kathlyn. Urghh,bakit kasi ang hot nya?! Nagsisisi na ako. Gusto ko na sya bumalik sa nerdy look nya. Kainis!
"Kath,stop saying that. Nagseselos na si Ashley o." Pang-aasar sa akin ni Nika.
"No,I'm not."
"Yes,you are. Halata kaya."
"No,I'm not."
"Yes,you are."
"Pwede ba!"
Sa sobrang inis ko naisipan ko na lamang iwan sila doon. Hindi pa ako nakakalayo sa kanila,bigla akong napaluhod nang makaramdam ako ng sobrang tinding sakit sa ulo.
It's different. Walang nagpapakitang mga imahe sa aking isip. Wala akong ibang nararamdaman kundi sakit. Napahawak ako sa aking noo. Urghh,make it stop!
"Ash!"
Ayoko na! Ayoko na! Make it stop!
It was pure pain,it's more exquisite. Hindi ko namalayang lumuluha na ako sa sobrang sakit. My vision's also starting to get blurry na para bang anytime babagsak... ako.
"Ash,wake up!"
***
"Ikaw na bahala kay Ashley ha? Pasabi na lang sorry if we can't stay. Pinapatawag kasi kami ng gurang naming guro."
"Sige,mag-iingat kayo."
"That gurang is so epal you know. Sige,bye."
Minulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang puting kisame.
"Na-nasaan ako?" Mahina kong tanong.
Nakita ko si Yexel. Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa aking likod para alalayan akong makaupo.
"Nandito ka sa school's clinic. Bigla kang nahimatay kanina. I was so worried,Ash." Yexel said.
"S-sorry."
"Madalas ba itong nangyayari sayo?" Tumango ako.
"But this one was different. Yung mga nakaraang nangyari,may mga nagpapakitang mga imahe but this one... wala. It was pure pain. Sobrang sakit."
"Baka bumabalik na mga alaala mo."
Yexel was concluding something and maybe,maybe he was right. Baka nga bumabalik na mga alaala ko.
"Then that's a good news."
"Sana hindi ka magbago once naalala mo na kung sino ka."
Nginitian ako nang malungkot ni Yexel kaya hinawakan ko ang mga kamay nya at tinignan sya ng diretso sa kanyang mga mata.
"Nothing will change. I'll still be kind to you,Yexel. I promise." I sincerely said.
"You know what,I liked you before. But now I'm starting to be confused kung gusto kita o... mahal na kita."
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Wait,confession ba ito?
"Ye-Yexel..."
"Wait,I don't wanna hear your answer. The last time I confessed to you,you turned me down."
Wait,umamin na sya sa akin dati?
"Umamin ka na dati?"
"Yeah. Umamin na ako sayo noon na gusto kita pero nireject mo ako. That rejection,it really brought pain to my heart. Pero hindi ibig sabihin non na iiwasan na kita dahil doon."
"After nong confession day ko sayo,doon mo na ako kinausap. Sinabi mong magdisguise ako as a nerd at magpanggap akong hindi kita kilala. Noong una,ayoko pero sabi mo hindi ka na masaya kasama ako. Aminado ako nasaktan ako doon pero wala akong nagawa. Sinunod ko yung gusto mo para mapasaya kita. Sa tuwing magkakasalubong tayo,parang dinadaanan lang natin ay mga hangin."
"Tapos nalaman ko kay Tita Alodia na... naaksidente ka daw. Sa sobrang pag-aalala ko agad akong pumunta sa hospital kung saan ka naconfine. Noong makita kita sobra akong natuwa kaya bigla akong tumakbo papunta sayo at niyakap ka." Dagdag nya.
Napakamot na lamang sya sa ulo samantalang ako nakatitig lamang sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit... kung bakit ko yun nagawa sa kanya. He's a nice guy.
"Yexel,hi-hindi ko alam na nagawa ko yun sayo. Sorry sa mga si-sinabi ko noon." Paumanhin ko pero nginitian nya lamang ako.
"Ano ka ba. Kinalimutan ko na yun. Ang mahalaga ay nagpapansinan na tayo ngayon. Sobrang saya ko,Ash. Sobrang saya ko at ikaw ang dahilan ng kasiyahan ko."
Niyakap nya ako at imbes na ipagtulakan sya,imbes na lumayo ako,niyakap ko sya pabalik. Nawala sa isip ko na ayoko sa mga clingy na tao. Para bang kapag si Yexel ang kasama ko,ayos lang kung magiging clingy sya sa akin.
Nang medyo bumuti ang pakiramdam ko ay sinuggest ni Yexel na ihatid na lamang ako sa bahay ko. Agad naman akong umiling sa suggestion nya dahil ayokong makaistorbo sa klase nya. Nagpumilit sya sa gusto nya at nagpumilit naman ako sa gusto ko. In the end,ako pa rin nanalo hahaha.
Parang gusto ko na lang magcommute ngayon. Habang papunta ako sa terminal ng mga tricycle. Nagulat ako nang biglang may magtakip sa aking ilong at bibig. Nang may maamoy akong kakaiba,bigla na lamang akong inantok.
Nang mawala ang nakatakip sa aking ilong at bibig,isa lamang ang nasambit ko bago ako hinila ng kaantukan.
"Sino... ka?"
***
Nagising akong nakatali ang mga kamay ko sa isang... upuan. Teka,anong ginagawa ko dito?
"May tao ba dyan?!" Sigaw ko.
"Tulong!"
"Tulungan nyo ako!"
"Tulong"
Napayuko na lamang ako. Nagulat ako nang bigla akong makarinig ng isang matinis na ingay. Para bang nahulog na bakal.
"Kahit ano pang sigaw mo dyan,walang tutulong sayo!" Sigaw ng isang tao.
Nilingon ko ito at nang maaninag ko kung kaninong boses iyon,nanlaki ang mata ko.
"F-Faith?"
YOU ARE READING
Surreal Love
Teen FictionLoving him was like surreal. I thought he was mine but I was wrong. He belongs to someone else.