Nang ako'y pauwi na,bigla kong nakita si Nika at Felix nag-uusap dahilan para magtago ako. Ayoko masira moment nila hehe.
"Tanggap nyang mahal kita,Felix." Sabi ni Nika.
"I'm very happy right now. Finally,hindi na natin kailangang magtago sa kanila." Masayang sinabi ni Felix.
Wait... so they are having a relationship behind my back? Siguro kung ibang tao magagalit pero bakit ang saya ko? Sabagay hindi ko naman kasi bet si Felix.
Hindi ko na tinuloy ang pag-eavesdropping ko besides,usap nilang dalawa iyan. Hindi dapat ako nakikinig.
Tinuloy ko na ang aking paglalakad. While I was walking,bigla akong napangiti. Anong nakain ko? Bakit hindi matanggal-tanggal itong ngiti sa labi ko? Nababaliw na ata ako.
Hindi ko namalayang sa aking paglalakad ay mayroon pala akong mabubunggo. Hihingi na sana ako ng tawad nang mapagtanto ko kung sino ang aking nabunggo.
"Yexel?"
"O,Ashley? Ikaw pala yan hahaha."
His looks,sobrang iba sa nakita ko noon. Mukha syang nerd ngayon. Yung buhok nyang magulo dati,which I found hot,naging abnoy ito. Imagine,yung buhok nya ay hati sa gitna? Kaloka. Hindi naman sya nakasalamin noon pero nakasalamin sya ngayon. A total nerd look.
"Ano nangyari sa pananamit mo at sa buhok mo?"
Bigla syang napakamot sa kanyang ulo. Omygosh,may kuto ba sya? Nah. Just kidding.
"Actually,ikaw may sabi nito hahaha. Sabi mo sa akin na kapag nasa school tayo,I should disguise myself as a nerd at wag kang lalapitan kaya hangga't maaari ay hindi ko hinahayaang magkalapit tayo ng landas sa ENHS."
Teka,ako?
"Si-sinabi ko yun sayo?"
"Sinabi? Mali,inutos mo pala. Dahil bestfriend kita,sinusunod ko utos mo para mapasaya ka."
Bigla nya akong nginitian. Ako? Inutos ko? Teka,bakit ganun? Hindi nya dapat sinusunod lahat ng mga sinasabi ko.
"Hi-hindi mo dapat ako sinusunod." Sabi ko.
"Okay lang. Napapasaya naman kita hehe."
Napakamot na lamang sya sa kanyang ulo kaya hinawakan ko sya sa balikat at tinignan sya.
"Well,from now on gusto kong magpakatotoo ka sa sarili mo. Wag ka nang magpanggap na isa kang nerd dahil hindi ka iyon,Yexel. Please,do it for yourself. That will make me happy." I smiled at him.
"Totoo ba yang si-sinasabi mo?"
Tumango ako at nagulat ako nang bigla nya akong yakapin. Bigla akong napalayo sa kanya kaya tumingin sya sa akin.
"Sorry,hindi lang talaga ako sanay sa pagiging clingy mo but don't worry ia-adjust ko sarili ko."
Tumango na lamang sya kaya nginitian ko sya.
"Halika,ihatid na kita."
"Sige."
Nagulat ako nang bigla syang nagtawag ng tricycle. Huh?
"Sorry,wala akong motor o kaya bike. Don't worry libre ko pamasahe natin. Promise!"
Napangiti na lamang ako dahil sa taglay nyang cuteness.
"Nah. Commute will do." I said.
***
Nakarating na ako sa aking tahanan and we bid our farewells to each other.
"I see you're getting along with Yexel. I'm very happy,darling. Finally,nagpapansinan na kayo ulit." Bungad sa akin ni mama.
"He's a nice guy,mama. How can I ignore him?"
Umakyat na ako sa aking kwarto at nagpahinga saglit then naisipan kong maligo na. I was massaging my scalp with the shampoo nang bigla na namang kumirot ang aking ulo. The pain is exquisite. Napapikit ako.
An image started flashing in my mind again. Isang imahe ng babae at lalake. Yung babae ay nakayuko samantalang yung lalake lumapit doon sa limang babae.
"I'm sorry but I don't know you."
Pumikit ako ilang beses at doon na nawala ang kirot sa aking ulo. Yung lalake ba... si Yexel ba yun? Sino naman yung babae? Argh! Bakit ba kasi lahat ng images ay blurred?! I wanna remember!
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. In-on ko ang shower upang ang mga tubig na binubuhos nito ay magsasabay sa aking mga luha. Para mawala yung namumula kong mata. Para hindi mahalata ni mama dahil ayoko na syang mag-alala sa aking kalagayan.
The last time I saw her crying,I promised to myself that it will never happen again. Seeing her cry last time was really painful for me.
Natapos na akong maligo kaya nagbihis na ako ng aking pantulog. I wanna sleep.
But right now,isang tanong lang ang nasa isip ko. Sino ba talaga ako? Hindi ko na alam. I've done many... horrible things.
I just want this nightmare to end.
Yes,nightmare. Iisipin ko na lamang na isa itong masamang panaginip and once I recover my memories,say goodbye to nightmares. Yeah,tama.
"Goodnight,Ashley." I said.
YOU ARE READING
Surreal Love
Teen FictionLoving him was like surreal. I thought he was mine but I was wrong. He belongs to someone else.