Chapter 20

5.8K 96 0
                                    

Anchel's pov.

Nang makarating kami sa Canteen at nag offer si Sean na siya na ang bibili ng pagkain namin kaya naghanap na lamang kami ni Mikee ng mauupuan."Nga pala Mikee. Hindi ko pa nakikita 'yong Ace ba 'yon?"pagtatanong ko kay Mikee." Ah, si Ace ba? Hindi ko rin alam kung kelan ang pasok ng mokong na 'yon." Sabi ni Mikee. "Ah." Sabi ko nalang. May-maya pa ay dumating na si Sean dala ang pagkain namin.
Natapos ang lunch break ng walang Ella ang dumating. "Mikee hindi kaya napano na si Ella." Nag-aalalang sabi ko kay Mikee." Ano ka ba Anchel. Napakanega mong mag-isip. Baka nauna lang sa'tin sa room."sabi ni Mikee. "Oo nga Anchel. Think positive lagi. Masyado ka naman nerbyosa.'' panggagataong pa ni Sean. Tumahimik nalang ako at sumunod na sa kanilang maglakad patungo sa aming class room. Nang makarating kami sa room ay nakaramdam na ako ng matinding kaba ng makitang wala doon si Ella at ang naroon lang ay ang mga boys. Pumasok na kami at si Ella naman at naglakad palapit kay Chris.

" Chris nakita niyo ba si Ella?" Tanong ni Mikee kay  Chris. Kumunot naman ang noo nito." Hindi. 'Di ba kayo ang kasama niya?"takang tanong nito." Oo. Pero nagkahiwalay rin kami ng nagpaalam siyang mag CCR daw siya. Pero natapos nalang ang lunch break na hindi siya dumating." Nag-aalala na ring sabi ni Mikee."Natawagan niyo na ba? Wala kasi akong load ngayon." Sabi ni Chris." Hindi pa, pero sige tatawagan ko na." Sabi ni Mikee at may tinawagan." Oh hello. Bruha ka saan ka ba nagpunta at bakit hindi ka bumalik?.. Ganoon ba.. Sige magpahinga at magpagaling...Oo sige ako ng bahala.. Sige,sige sasabihin ko. Bruha ka hindi ka man lang nagtext. Alam mo bang ping-pong mo kami lalo na itong si Anchel... Sige. Ok lang... O sige na magpahinga ka... Oo sige be." Pagtatapos nito sa tawag at umupo na.

"Oh anong sabi niya? Ayos lang ba siya? Nasan siya ngayon? Bakit siya hindi bumalik?"sunod-sunof na tanong ko kay Mikee." Easy ka lang Anche masyado ka naman hard. Wala kanang dapat ipag-alala ayos lang siya. Nasa bahay siya ngayon,sumama daw pakiramdam niya kaya umuwi. Nawalan daw siya ng load kaya hindi siya nakapagtext agad. Sorry daw tungkol say kanina." Mahabang sabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti naman at ayos lang siya. Maya maya pa ay dumating na ang aming guro. Tinapik naman ni Mikee ang balikat ko at ngumiti." 'Wag ka nang mag-alala. Magiging maayos din si Ella. Si Ella pa e may sa tigre ang isang 'yon." Pagpapagaan nito sa loob ko. Ngumiti na lamang ako at nagfocus na sa pakikinig say guro namin. Sana nga maging ayos lang siya.

Nasakalagitnaan ako ng pagsusulat ng notes ko ng may bumato sa 'kin. Asar kong binalingan ang pangahas na gunawa noon at mas lalo akong nainis ng si Vougn ang nakita kong gunawa noon." Ano bang kailangan mo. Pwede kung wala kang magawa manahimik ka nalang.'' Inis na sabi ko dito. Aba inirapan lang ako ng walang hiya. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagsusulat. Hindi pa nakakalahating oras ng may nangbato uli sa'kin. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagsusulat. At ang walang hiya talaga hindi ako tinigilan.
Unang bato.. pangalawa, pangatlo,pang-apat,panglima,pang-anim... At syempre hindi na ako papayag na umabot pa sa pito 'yon. Galit at padabog akong tumayo sa aking upuan at sinugod si Vougn.

"Ano bang problema mo sa 'king lalaki ha! Pwede ba kung wala kang magawa 'wag ako ang pagtripan mo!" Galit na bulyaw ko dito" Wait lang Miss ha. Una, hindi ko Alam kung anong pinagsasabi mo. At pangalawa, may proweba ka ba na ako ang nambabato sayo?" Malamig na sabi nito." Nagmamangmaangan ka pa. E halata naman ijaw ang gumagawa noon. At huli ka na, hindi ko sinabi kung ano ang ginawa mo pero kasasabi mo lang binato. So meaning ikaw nga 'yon." Inis na sabi ko. Sasagot pa Sana ito ng magsalita si Miss Madrigal ang A.P Teacher namin na sobrang strict." You two! In the detention room now!" Galit na sigaw nito." Pero siya naman ang nauna e. " Depensa ko." Anong ako? Ikaw kaya 'tong bigla biglang lalapit say upuan ng may upuan at namimintang pa." Nang uuyam na sabi ni Vougn." E sa toto---" "I said in the detention room now! Mag-isip tayong tatlo mamaya." galit na nasabi nito kaya wala akong nagawa kung hindi ang lumabas.  Nagdadabog akong naglakad patungong detention room.

Kaasar.kasalanan ito ng hinayopak na 'yon e. Asar na bulong ko. Nang makarating ako doon at padabog akong umupo sa upuan. Maya maya pa dumating narin si mokong. Matalim ko itong tiningnan." Alam mo kasalanan mo 'tong eh!" Galit na sabi ko rito.Ngumisi naman ito." Sino ba 'tong biglang simisigaw at lumapit sa may upuan na may upuan at namimintang pa." Nang uuyam na sabi nito. "Argh! Fuck you!" Galit na sabi ko. "I'm sorry to disappoint you, but you're not my type." Nakangising sabi nito. Asar na umiwas ako ng tingin.

Pagtatapos ng ilang minuto ay dumating na si Miss Madrigal at may pinapermahan sa 'min. Kainis,magkakaroon ako ng masamang record ng dahil sa pesting lalaking 'to"  Ayo ko nang maulit pa it maliwanag?" Sirmon ni Miss Madrigal." E kasi Ma'am siya naman po kasi ang nauna eh." Depensa ko." Wala akong pakialam kung sino sa inyo ang may kasalanan. Hindi parin sapat na rason 'yon para magsigawan kayo at mag-alitan lalong lalo na sa klase ko. Maliwanag?" Mataray na sabi nito. Tumango na lamang ako." Sige. You may now go." Diklara nito at umalis na. Nagmadali naman akong sumunod palabas. Ayo ko ng makasama ang hinayopak na lalaking 'yon. Nang makalabas ako, nadatnan ko Sina Sean at Mikee na naghihintay. Panay ang asar sa 'king ng dalawa. Tapat nga silang mga kaibigan. Nang nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumeretso na sila sa parking nagbulunter pa nga si Sean na ihatid ako na tinanggihan ko naman agad. Nang makalabas na ako ay agad na akong pumara ng traysikel upang makauwi na.

______________________________

Copyright 2018 © ompodR

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon