Chapter 3

9 4 2
                                    

Naglakad ako pabalik sa classroom ng sobrang lagkit. Hays yung babaeng yun sana sinabunutan nalang ako kesa buhusan ng kape. Ang lagkit ko tuloy nakakainis! Buti sana kung may extra akong damit diba? Pwede namang umuwi ako sa condo nila Kuya kase may damit naman ako don. Hmm, mag papaalam muna ako kay Ms. Marian baka pagalitan ako.

"Oh Kass anyare sayo?" Hay naku Pika kung nandon ka lang siguradong may nasabunutan kana. Sana nandun ka.

"Ah wala may nasanggi kase akong babae tapos natapon sakim yung kape niya" nagsinungaling nalang ako baka kase sugurin niya si Ezra.

Alam ko namang galit siya dun kase sino bang may gusto ng ugali ni Ezra? Mayabang,medyo malandi tapos laging tambayan ang bar at makikita mong may kahalikan yuck diba?

"Ah. May pang palit ka ba? Ang lagkit mo na oh iw" Hinawakan niya yung braso ko na para bang sobrang dumi non. Aba ang arte malagkit lang ako pero di madumi.

Ang abnormal bigla namang tumawa. Hays buti natitiis ko pa split personality neto. Minsan parang walang emosyon minsan naman baliw. -_-

"Uuwi muna ako ng condo nila kuya may damit ako dun tutal malapit lang naman yun dito" kinuha ko na ang gamit ko para makapag palit agad ako. Baka kase may dumating bigla na teacher diba? Kaya ok ng mag madali hehe.

Pumunta na ko sa office ng mga teacher at sakto lumabas si Ma'am Marian. Nilapitan ko kaagad siya para makapag paalam na ko na sasaglit ako sa condo para mag palit dahil wala akong dalang extra, sana naman payagan ako ni Ma'am dahil mamaya baka langgamin na ko sa classroom.

"Excuse me po Ma'am. Can I go to my Kuya's Condo? I'll just change my clothes po kase I don't have any extra." Fudge! Sana gumana ka please? Ma'am payagan mo na ko kase ang lagkit ko na this time T^T

"Ok kita ko ngang nanlalagkit kana. Basta bumalik ka kaagad bawal mag cut ng class. Understood?" Tumanga nalang ako at dali dali ng lumabas kaso may nabangga ako pag labas ko ng gate.

"Aguy!" Sigaw ko dahil napaupo ako sa semento. Ang init pa naman. Ano ba yan sino ba yun?

"Hala miss sorry" inabot niya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. Salamat at naisipan niya kong tulungan dahil baka di ako makatayo. Tinignan ko siya at grabe nalang ang gulat ko.

"N-Nathan?" Si Nathan ng Emerald lang naman ang nabangga ko. Hays kumg ang fans nila ang nakabangga dito siguro masaya pa.

"Oh kilala mo ko? Nice. Bakit ka pala tumatakbo?" So kelan pa siya nagkaroon ng pake kung bakit ako tumatakbo?

Better or for Worst?Where stories live. Discover now