CHAPTER 4: Family Meeting

121 9 1
                                    

[XIUMIN] 

"Umin, nareceive mo ba yung text ni Noona?" 

"Oo Luhan. Satingin mo, ano kayang pag uusapan natin?" 

"Ewan ko. Parang ngayon na lang siya nagpatawag ng meeting sating mga magkakapatid eh." 

"Baka importante, satingin mo, uuwi kaya silang lahat ng maaga mamaya?" 

"Malay ko sakanila, alam mo naman ang mga kapatid nating yun diba, minsan uuwi 11 na ng gabi."

"Oo nga." Napa angat ng kaunti ang ulo ko ng nakita ko si Eun Bi sa may field na naglalakad kaya tinawag ko siya. 

"EUN BI!!!!!" Tumigil siya sa paglalakad at hinanap yung tumawag sakanya, kumaway ako sa labas ng bintana para makita niya ako agad at nakita naman niya ako at ngumiti siya. 

"Labas muna ako Luhan, tawagin mo na lang ako pag nandyan na yung prof natin." 

"COPY THAT!" Tumakbo ako palabas ng building papunta sa open field kung saan ko siya nakita at nakatayo lang siya dun at inaantay ako. 

"Hi Oppa Bestfriend!" bati niya sakin ng makalapit ako. Si Eun Bi ang bestfriend ko simula pa nung second year college ako. Nagkakilala lang kami nung maging groupmates kami sa isang palaro nun sa school namin. 

Masarap kasi siyang kasama at sobrang bait kaya nagkasundo kami agad. Mga 1 week ko rin siyang di nakita kasi ang alam ko umuwi sila ng probinsya para dalawin ang lola niyang may sakit. 

"Long time no see Eun Bi. Kelan ka pa dumating? Bakit di mo man lang ako tinawagan, di sana nasundo kita sa airport." 

"Kahapon lang ako dumating oppa, hindi na no, sinundo naman ako ni mommy eh. Pupunta sana kita eh. May handaan kasi samin mamaya, gusto ka makita ni mommy." 

"Handaan? Anong meron? Sorry Eun Bi, hindi ako pwede mamaya eh, kelangan kasi naming mauwi ng maaga." sumimangot naman bigla ang mukha niya. 

"Ganon ba oppa? Sige ok lang, next time na lang siguro."

"Sorry talaga ha. Bawi na lang ako sayo!" 

"Sige sabi mo yan eh!" Napatingin naman ako sa mga dala-dala niyang libro kaya tinanong ko siya kung saan niya dadalhin ang mga libro. 

EXO TURNED INTO LADIES (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon