CHAPTER 5: THE INTERVIEW

160 14 7
                                    

Ito na po ang napakahabang update pangbawi sa halos 2 weeks na walang update para sa story na to. Haha

Enjoy reading. . . .

~jeanny

* * * *

[SEHUN]

Inunat ko ang mga kamay ko pagpasok ng kwarto, nakasunod lang sakin si Tao at Kai. Hindi pa kami tapos kumain pero umalis na kami sa mesa dahil kay Noona, pinipilit niya kaming sabihin ang mga rason kung bakit ayaw namin maging model pero dahil sa lahat kami wala namang magandang rason umalis na lang kami.

"Gutom pa ako! Order tayo ng pizza." sabi ni Tao tsaka humilata sa kama ko. Naupo naman ako malapit sakanya at si Kai naupo sa kama niya at nakaharap samin.

"Sige, pera mo." sagot ni Kai sakanya na sinang-ayunan ko naman, ayoko naman kasing gumastos tapos sigurado naman ako na siya na naman ang maraming makakain, sa takaw nitong
si Tao baka ubos ko pa lang ang isang slize ng pizza siya nakatatlo na.

"Hati-hati na lang tayo sa bayad, kahit kayo din naman, gutom pa rin diba?" Kung sabagay, kunti pa lang ang nakakain ko nung umalis ako sa kainan eh. Siguro mga dalawang subo pa lang, kumakalam pa nga ang sikmura ko. Bigla namang pumasok si Suho Hyung, Xiumin Hyung, Kris Hyung, Baekhyun Hyung, Chen Hyung, Luhan Hyung, Lay Hyung at D.O. Hyung sa kwarto namin at tulad namin, mukhang gutom din sila. Sa tuwing may paguusapan kami, dito kami nagtitipon sa kwarto namin nina Kai at Tao, medyo malaki kasi itong room namin kesa sa iba.

"Pareho-pareho naman siguro tayo ng iniisip diba?" tanong ni Suho Hyung na kakasara pa lang ng pinto tsaka naupo sa tabi ko. Nagkatinginan kaming lahat at mukhang iisa lang talaga ang iniisip naming lahat.

"Order tayo ng pizza!" sabay-sabay na sabi naming lahat, talaga ngang pagdating sa pagkain, "we are one."

"Hati-hati tayo sa bayad. Ok ba yun?" tanong ulit ni Suho Hyung.

"SIGE!" in chorus ulit na sagot namin.

"Let's order 6 pans party size pizza." suggest ni Kris Hyung, napatingin kaming lahat sakanya, first time kasing naki-isa siya samin sa mga ganitong meeting, siguro kahit si Hyung gutom na gutom pa din, di ko rin naman siya masisisi.

"Anong tinitingin-tingin niyo?" maangas na tanong nito samin kaya umiwas na lang kami ng tingin.

"Sige, ako na ang mag o-order, ikaw naman, Lay, Chen at Chanyeol, kayo ang magbantay dun sa baba. Siguraduhin niyong di tayo mahuhuli ni Noona, sigurado ako magagalit na naman yun satin." sabi ni Suho Hyung tsaka na umalis na kwarto si Chen Hyung, Lay Hyung at Chanyeol Hyung, si Suho Hyung naman nag o-order na ng pizza. Kami namang natira sa loob ng kwarto ay parang mga gutom na asong nag aantay sa pagdating nung pizza.

* * * *

"NANDITO NA!!!!!!" malakas na sigaw ni Chanyeol Hyung pagpasok niya ng kwarto.

"YEHEY!!!!!!!" parang mga batang sagot namin tsaka namin siya nilapitan at kinuha ang tig-iisang kahon ng pizza at kumuha ng tig-iisang slice. Para kaming isang taon na hindi kumain at sinunggaban agad ang pizza, sa limang minuto simot agad ang isang kahon hanggang sa isang kahon na lang ang natira at isang slice ng pizza na lang ang nandun. Lahat kami tapos na ring kumain at nakatuon ang pansin sa pizza sa kahon. Matatalim ang tingin namin sa isa't-isa at parang mga hayop na binabantayan ang mga kaaway sa biktima, hanggang sa gumalaw na nga si Tao Hyung at pinigilan naman siya ni Suho Hyung, Xiumin Hyung, Luhan Hyung, Chen Hyung, Kai Hyung at Baekhyun Hyung.
 

EXO TURNED INTO LADIES (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon